Chapter 26
ELLA'S P.O.V.
Yumuko ako ng pasadahan ako ng tingin ng isang matandang babae na nasa edad sisenta, puti na ang buhok niya at kulubot ang mukha na may makapal na salamin. Bagama't halata na ang katandaan niya, mababakas mo naman ang malakas na pangangatawan niya, matikas pa kasi ang tinding niya."Siya na ba ang iyong anak, Edwardo?" tanong niya sa Daddy ko.
"Opo, Inang."
"Aba'y kay gandang dalaga.""Nagmana po siya sa'kin, Inang." Sagot ni Daddy.
"Ako ba'y pinagloloko mo, Edwardo?"
Umiling si Daddy. "Hindi po, Inang." Kakamot-kamot pa sa batok si Daddy.
"Mabuti naman kung gano'n, ano nga ba ang dahilan bakit kayo naparito sa aking munting tirahan?"
Lumapit si Daddy sa matanda, at inakbayan niya ito. "Dito po muna siya ng dalawang linggo, sembreak po kasi ng aking anak sa school. Magbabakasyon po siya dito sa inyo, Inang."Napangiwi ako. Parang hindi ko kasi kayang manatili rito ng matagal, kanina habang papunta kami rito, ramdam ko na ang lungkot sa paligid. Ang katahimikan ng paligid ay nagpapahiwatig ng kalungkutan para sa'kin. Kung bakit naman kasi dito pa ako dinala nila Mommy at Daddy. Suspended na nga ako, pinahirapan pa ako sa loob ng dalawang linggo.
"Hindi niya kakayanin ang mabuhay dito ng matagal. Ibang-iba ang pamumuhay dito.""Mas maganda nga iyon, Inang. Para mabawasan ang timbang ng anak ko, pangarap pa naman ng Mommy niya na pumayat siya, para matupad ang pangarap niyang magkaroon ng anak na beauty Queen."
"Ayos lang ba sa'yo, hmm.. ano nga ba ang pangalan mo?"
"Ella po, Lola." Sagot ko.
"Kaya mo ba rito na manirahan sa'kin ng dalawang linggo?"Tumingin ako kay Daddy, ngunit para lang panlakihan ako ng mata.
"Kakayanin ko po."
"Siya sige, dito ka muna sa'kin manirahan. Wag kang mag-alala. Hindi ka naman malulungkot rito.""Nalulungkot na nga po ako. Wala kasing signal ang pocket wifi ko."
"Sana nga po."
"Sige na po, Inang luluwas na po ako ng Manila, may mga trabahong naghihintay sa'kin doon." Tumingin sa'kin si Daddy. "Magpakabait ka rito, wag mo'ng gagalitin si Inang." Paalala pa sa'kin ni Daddy.
Tumango at pilit na pinipigilan ang mga luha kong wag tumulo. Ewan ko ba, bigla akong nakaramdam ng lungkot. Parang feeling ko. Ang saklap sa'kin ng tadahana.
"Ginusto mo 'yan di ba?" sa isip-isip ko."Halika ka na Ella, at kumain na tayo ng meryenda."
Tumango ako at sumunod sa Lola ko.
Ang inaakala kong barong-baro na bahay ni Lola ay isang malaking bahay ma yari sa bato, hindi siya kasing laki ng bahay namin. Ngunit makikita mo naman na kakaiba ito kumpara sa mga kabahayan na nadaanan namin kanina ni Daddy, habang papunta kami rito."Pumasok ka sa loob, Ella at ituturo ko ang magiging kwarto mo."
Napanganga ako sa pagkabighani ng makapasok ako sa loob. Ang lahat ng kagamitan doon ay yari sa Narra, nililok ito ng iba't-ibang desisyon. Kung siguro ibabaladara mo ang ganitong kagamitan sa isang Mall, mag-uunahang bilhin ito. Sadyang napakaganda at halos manalamin ka na dahil sa kintab.
"Lola, ang ganda naman ng mga gamit niyo, imported na ito?" hindi ko napigilang tanong.
"Ella, matagal na ang mga gamit na 'yan, pamana pa sa'kin ng aking mga magulang. Pinanatili ko lang ang ganda niya."
"Perfect!"
"Halika, dito ang silid mo." Turo pa niya sa'kin.Isang simple at hindi katamtamamg laki na kwarto. Isang yari sa puno ng narra rin ang kama ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/112417430-288-k236365.jpg)
BINABASA MO ANG
MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1
Teen FictionGwapo, matalino, magaling magluto pero suplado. 'Yan si Shawn Skyler Santiago ang anak ng legendary Casanova ng SPIA. Sino nga ba ang mag-aakalang pagtatagpuin sila ng isang two hundred ten pounds na babaeng anak ng isang dating beauty Queen? Paan...