Chapter 38

30.9K 957 118
                                    

Chapter 38

Ella Marie's P.O.V.

Pabaling-baling ako sa kama ko dahil hindi ako dalawin ng antok. Kinapa ko ang dibdib ko mahigit limang oras na ang nakakalipas mula ng ihatid ako ni Shawn sa bahay. Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang mabilis na tibok ng puso ko. Tinakip ko sa mukha ko ang unan ko upang makatulog ko. Pero Sh*t! Walang talab talaga hindi ako makatulog. Muli kong kinapa ang labi kong hinalikan ni Shawn.  Parang nag-iinit ang tenga ko.

"He kissed me... Kyaaahh!"

Napalakas ang tili ko kaya naman narinig kong kumakatok si Mommy.

"Ella, anak anong nangyayari sa'yo?"

"Wala po Mommy, naipit po ang kamay ko."

"Sige na matulog ka na."

"Opo!"

Pagkatapos. Narinig ko ang mga yabang ng paa niya na papalayo. Nagtalalukbong ako ng comforter sa buong katawan at doon ko muling kinapa ang labi kong hinalikan ni Shawn, kilig na kilig ako. Hindi naman iyon ang first kiss ko kay Shawn pero ito ang unang pagkakataong nag-kiss kaming dalawa mula ng maghiwalay kami. Hindi pa rin siya nagbabago. He's good kisser ang lambot pa rin ng mga labi niya. Para siyang alak,  nakakalasing ang mga halik niya habang tumatagal.

Marahan kong sinampal ang mukha ko.  "Kung ano-ano ang ini-isip mo matulog ka na Ella." Kausap ko sa sarili ko.

Niyakap ko ang mahaba kong unan at ipinikit ko ang mga mata. Sinikap kong matulog sa kabila ng kaligayahang nararamdaman ko.

PASADO ala-una na ako ng hapon nang magising ako. Napuyat kasi ako dahil sa sobrang kilig. Umaga na tuloy ako nakatulog kaya naman hapon na ako nagising. Agad kong hinanap ang cellphone. Nagbabasakaling may mabasa akong mensahe mula kay Shawn, may sampung mensahe akong natanggap mula sa iba't-ibang sender. Una kay Boss na nagpapasalamat sa'kin. Sa dalawa kong piggybesh, kay Andrei at ang panghuli kay Shawn. Inuna kong basahin ang mensahe ni Shawn kaysa sa iba pa'ng mensahe nila.

"Good morning, Ella." Iyon ang mensahe ni Shawn sa'kin.

Simpleng mensahe lang niya iyon pero kinilig na ako. Hindi ko siya ni-replayan. Gusto ko kasing pumunta sa condo unit niya ngayon para bigyan siya ng cake na gagawin ko mamaya.

Agad akong bumango upang maligo at kumain. Pagkatapos inihanda ko ang mga kakailangan ko sa ibi-bake kong cake. Pakanta-kanta pa ako habang ginagawa ko iyon, kaya naman napansin ako ni Mommy at Daddy. Tahimik lang silang nakamasid sa'kin.

"Mommy, Daddy, tikman niyo nga ang cake na ginawa ko kung tama ang timpla."

Agad namang lumapit si Mommy at Daddy sa'kin at tinikman nila ang gawa ko.

"Hmm... masarap." Sabi ni Mommy.

"Hindi pa rin naman pala nawawala ang galing mo sa pagbi-bake ng cake." Ani Daddy.

Ngumiti ako sa kanila. "Thank you po."

"Para kanino mo ba iyan ibibigay?" tanong ni Mommy.

"Kay Loren po. Nag-request kasi siyang ipag-bake ko siya ng cake." Alibi ko.

Hindi ko kasi pwedeng sabihin sa kanila na kay Shawn ko iyon ibibigay, alam kasi nilang may fiancee na si Shawn at hindi nila ako tino-tolerate na pumatol sa taken na.

"Siguradong matutuwa ang kaibigan mo na 'yan."  Ani Mommy.

"Mommy, Daddy, alis na po ako." Inilagay ko sa box ang cake at pagkatapos agad akong  umalis ng bahay. Isu-surprise ko si Shawn.

Ang lapad pa ng pagkakangiti ko habang patungo sa condo unit ni Shawn. Bitbit ko ang ginawa kong special na cake para sa kanya. Paglabas ko ng elevator napansin ko ang isang magandang babae na kasunod kong lumabas ng elevator. Noong una akala ko nakatira lang siya sa unit na katabi nila Shawn. Ngunit nang bigla siyang nagmadali sa paglalakad at bigla siyang huminto sa  tapat ng pinto ng condo unit ni Shawn, kinabahan na ako kaya huminto ako at pinanood siya habang nagdo-doorbell sa pintuan ng condo unit ni Shawn. Ilang saglit pa lumabas si Shawn. Para akong sinaksak ng paulit-ulit lalo nang makita kong ang lapad niyang ngiti sa magandang babae.  Hindi ko na napigilan ang luhang nag-uunahang bumagsak sa pisngi ko nang yakapin ni Shawn ng mahigpit ang babae. Para akong natulala sa nakita ko, hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko.  Sobrang sakit ang makita siyang masaya sa iba.

"Siya na siguro ang fiancee ni Shawn. Bagay sila."sa isip-isip ko.

Nabitawan ko ang dala kong cake. Pagkatapos sinikap kong maging normal ang kilos ko. tumalikod ako dahil hindi ko na kayang makita pa ang susunod na gagawin nilang dalawa. Pagkatapos tumakbo ako pabalik sa elevator, ramdam na ramdam ko ang pagod sa pagtakbo dahil kinakapos ako ng hininga. Pero mas masakit ang makita silang masaya.

"Ella!"

Hindi ko na pinansin  si Shawn na tinatawag ang pangalan ko.

"Magbukas ka! Bilis!" sabi ko habang walang tigil ang pagpindot ko sa elevator.

MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon