Chapter 39
Ella's P.O.V
Ilang beses akong huminga ng malalim habang nasa may balkonahe ako at nakaupong mag-isa habang pinagmamasdan ang kalangitan. Ang katahimikan ng paligid ang nagpadadag ng kalungkutan sa'kin.
"Ang lungkot naman, saan kaya pumunta sila Mommy at Daddy?"
Tumayo ako upang kumuha ang Ice cream sa loob ng refrigerator. Pagkatapos kinain ko iyong mag-isa. Ayokong maramdam ang lungkot. Dahil ayokong maalala si Shawn. Next week babalik na ako ng Amerika para muling magtrabaho. Tapos na ang trabaho ko dito sa pilipinas. Kailangan ko na rin bumalik ng Amerika para makalimot.
Hindi ko pa nauubos ang nasa baso ko na Ice cream. Nang marinig ko ang busina ng sasakyan na nagmumula sa labas ng gate namin. Ilang saglit pa lumapit sa'kin ang isa sa katulong namin.
"Ma'am Ella, nasa labas po ang mga kaibigan niyo? Papasukin ko ba sila?" tanong ng katulong namin na si Beka.
"Sige, papasukin mo na sila." Sabi ko, muli kong tinuon ang pagkain ng ice cream matapos kong tingnan ang katulong namin.
Mabuti na lang at pinuntahan nila ako dito sa bahay. Atleast hindi ako masyadong malulungkot ngayon."Piggy besh!" nakangiting tawag sa'kin ni Loren, may dala-dala pa siyang isang basket na apple.
Lumapit sila sa'kin at umupo sa harap ko.
"Anong nakain niyo bakit niyo ako dinalaw sa bahay namin?"
Inagaw sa'kin ni Annaliza ang Ice Cream. "Wag kang masyadong kumain ng Ice cream nakaka-taba 'yan.
Sinubukan kong kunin ang ice cream ngunit iniwas niya ito sa'kin.
"Ibigay mo sa'kin ang pagkain ko." Maktol kong sabi sa kanya.
Sa halip na ibigay nila sa'kin ang Ice cream. Tinawag nila ang katulog at pinaligpit nila ang kinakain kong ice cream.
Okay, binabawi ko na. Hindi pala magandang dumalaw sila sa bahay namin. Dahil kontra sila sa lahat ng gusto kong kainin. Palibhasa sexy na sila.Inilapag nila sa'kin ang isang basket na Apple.
"Mas magandang kung prutas ang kinakain mo kaysa mga matatamis na pagkain." Ani Loren.
Tiningan ko ang dala nilang isang basket na apple. Pagkatapos tinaasan ko sila ng kilay."Sa dinami-dami ng prutas na ibibigay niyo sa'kin, apple talaga ang binili niyo. Wow ha! Salamat." Sabay irap ko sa kanila.
"Wag kang sensitive Piggy besh, hindi ibig sabihin na apple ang binili namin nangangahulugan na lechong baboy ka na. Binagay namin 'yan sa'yo kasi mataba ka. Di ba 'yan ang pabirito nating prutas." Paliwanag sa'kin ni Annaliza.
Tama naman sila sa sinabi nila. Iyon talaga ang paborito naming prutas tatlo, kaya nga nasasabihan kami noon na kawayan na lang ang kulang. Ngayon kasi ako na lang ang mataba. Kaya parang nakaka-offend na.
"Bakit ba kayo nandito?"
Nagkatinginan silang dalawa sa'kin.
"Hindi mo ba alam ang tungkol kay Shawn?"
Bigla akong kinabahan sa sinabi nila. "Bakit anog nangyari sa kanya?"
"Piggy besh, may farewell party siya mamayang gabi. Ipapakilala na rin niya ang girlfriend niya sa maraming tao."
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Alam ko mangyayari na ang bagay na ito dahil hindi ko siya pinaglaban sa pangalawang pagkakataon. Umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa.
"Ang balita pa, Ngayon na yata siya magpo-prose ng kasal sa girlfriend niya. Ang sweet niya noh?" kinikilig na sabi ni Annaliza.
Mabilis akong kumuha ng apple at kinagat ko ang apple. Feeling ko kasi kapag kinagat ko ang mansanas mawawala ang sakit na nararamdaman kong sakit. Mapipigilan ko rin ang nagbabadya kong luha.
Good for him." Mahina kong sabi ngunit buong-buong narinig ng dalawa kong kaibigan.
"Iyon lang ba ang sasabihin mo?" seryosang tanong ni Annaliza.
Tumingin ako kay Loren. "Anong gusto mo'ng sabihin ko?"
"Hindi mo ba siya ipagalalaban?" ani Loren.
Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti. "I'm not the right girl for him. Mas mapapaganda siya do'n sa girlfriend niya ngayon." Mabilis kong pinahid ang luha kong hindi ko napigilang pumatak.
"Alam mo Ella? Para kang Tanga! Inilalayo mo ang taong mahal na mahal ka ang tanggap kung sino ka." Inis na sabi ni Annaliza.
"Pabayaan niyo na lang ako sa gusto ko. Wag niyo na akong paki-alaman."
"Nagpaka-taba ka ng ganyan, pagkatapos hindi mo kayang tanggapin ang sarili mo? Bakit hindi mo tanggapin ang sarili mo Ella? Tutal naman ginusto mo ang ganyang katawan. May taong nagmamahal sa'yo, pero inilalayo mo siya sa'yo dahil hindi mo matanggap na ikaw ang gusto niya!" ani Loren.
Bigla akong natahimik, kung hindi ko sila kaibigan baka nasampal ko na sila. Pero tama sila. Hindi ko kayang tanggapin ang sarili ko kaya ngayon nasasaktan ako sa naging desisyon ko.
BINABASA MO ANG
MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1
Teen FictionGwapo, matalino, magaling magluto pero suplado. 'Yan si Shawn Skyler Santiago ang anak ng legendary Casanova ng SPIA. Sino nga ba ang mag-aakalang pagtatagpuin sila ng isang two hundred ten pounds na babaeng anak ng isang dating beauty Queen? Paan...