MHAIKA'S P.O.V.
Ibinato ko ang cellphone dahil sa galit, tinawagan ko kasi si Andrei, upang tulungan niya ako sa binabalak ko. Ngunit imbes na makipag-kooperasyon siya sa'kin pinatayan niya ako ng cellphone.
"Sige! Kung ayaw mo'ng makipagtulungan sa'kin ako ang gagawa ng paraan para hindi matuloy ang pagpunta nila Ella at Shawn sa ibang bansa para mag representative sa school namin, suportado ko ang school pero kung iba lang sana ang partner ni Shawn baka tumulong pa akong dumami ang suporta nila. Kinuha ko ang bag ko at sumakay ako ng kotse upang pumunta ng school kailangan kong makagawa ng paraan.
"Mhaika, mabuti naman at nandito ka na." Salubong sa'kin ng Classmate ko.
"Bakit anong meron?"
Nag-uumpisa na sila, panoorin natin sila." Hinila pa niya ang kamay ko.
Nagpatianod ako sa kanya, imbes na sa may entrance kami pumasok, dumaan kami sa likod kung saan makikita mo at makakalapit sa mga apat na estudyanteng representative ng school. Kabilang na rito sina Ella at Shawn.
"Mhaika, ayun sina Shawn at Ella."
Tumaas ang kilay ko ng makita ko si Ella na kausap ang kapatid niyang professor kaya naman. Pasimple akong lumapit sa kanila na hindi napapansin at nagtago sa likod ng tabing upang Pakinggan ang pinag-uusapan nila.
"Handa ka na ba sa ibi-bake mo'ng cake Ella?"
"Medyo."
"Hindi ba kayo nag-usap ng partner mo?"
"Nag-usap kami kuya."
"Naninibago ako sa inyong dalawa, parang hindi kayo magkakilala, nag-away ba kayo?"
"Hindi kami nag-away, Sige po Sir Calixto aayusin ko na po ang mga ingridients ko."
"Ibig sabihin magka-away sila ngayon. Sisiguraduhin kong mas lalo ka pa niyang kakamuhian, Ella."
Umalis ako sa pwesto at nag-isip ng paraan para masira ko ang dalawa.
"Mhaika, anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Yza. Kapatid siya ng isa sa mga representative ng school.
Lumapad ang mga ngiti ko. "Tingnan mo nga naman, umaayon talaga ang pagkakataon sa plano ko. Kinausap ko siya na tulungan ako sa plano.
"Anong gagawin ko?" Tanong ni Yza.
"Ikaw na ang bahala, gawin mo ang lahat para hindi sila makasama sa ibang bansa."
"Natatakot ako."
Hinawakan ko ang kamay niya at tumungin ako sa kanya. "Ako ang bahala sa'yo, ayaw mo ba no'n? Walang kaagaw ang ate mo sa panalo, sigurado pa na may magandang trabaho na agad ang ate mo. Wag kang mag-alala, ako bahala sayo." Dinukot ko ang pitaka ko at kinuha ko ang lahat ng cash kong pera. "Paunang bayad ko yan sa'yo kapag nagawa mo ang pinag-uutos ko. Triple pa diyan ang ibibigay ko sa'yo."
Bumuntong-hininga siya. "Sige, gagawin ko na."
Ngumiti ako. "Very good." Pagkatapos lumabas na ako ng silid na iyon. Maghihintay na lang ako sa pagbagsak ni Ella mamaya.
Habang naglalakad ako sa pasilyo nakasalubong ko si Andrei. "Kumusta?"
"Mukha masayang-masaya ka ngayon."
"Halata ba?"
"Nagbago na ang isip ko, tutulungan na kita sa gusto mo."
"Kung kailan nagawa ko na ang gusto ko."
"Anong ibig mo'ng sabihin?"
"Well, mas maganda kung ngayon mo na rin gagawin ang plano." Ngumiti ako sa kanya. "Goodluck." Sabay alis ko.
BINABASA MO ANG
MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1
Подростковая литератураGwapo, matalino, magaling magluto pero suplado. 'Yan si Shawn Skyler Santiago ang anak ng legendary Casanova ng SPIA. Sino nga ba ang mag-aakalang pagtatagpuin sila ng isang two hundred ten pounds na babaeng anak ng isang dating beauty Queen? Paan...