Chapter 15

36.9K 1.2K 156
                                    

CHAPTER 15

Shawn Skyler's P.O.V

Nanatili akong nakatanaw kay Ella Marie, habang papalayo siya. Gusto ulit siyang habulin upang kausapin. Ngunit sarado ang isip niya sa anumang paliwanag na sasabihin ko. Bumuntong-hininga ako.

"Umalis na siya."

Nilingon ko ang tinig na iyon. Si Hairu, kasama si John Patrick. Lumapit sila sa'kin at sabay nila akong inakbayan.

"Shawn, akala namin Paglalaruan mo lang siya? Di ba, gusto mo lang siyang pagbayarin sa ginawa mo'ng paghuhugas ng pwet niya? Pero bakit parang baliktad yata?" tanong ni Hairu.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. 'Yon naman kasi ang dapat na plano. Pati nga ang dalawa kong kaibigan kasama sa plano naming tatlo na pa-ibigan silang magka-kaibigan, "Tama, pero hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng lungkot ngayon."

"Inlove ka na siguro sa kanya Shawn." Sagot ni John Patrick."

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa balikat ko. "Pwede ba! Hindi ko siya gusto." Sagot ko.

Nagtinginan ang dalawa kong kaibigan pagkatapos tumawa ng malakas. "Ganya ang inlove nagde-deny."

Pailing-iling akong naglakad palayo sa kanilang dalawa. Mas mabuting umuwi na lang kaysa mainis ako sa mga kaibigan ko.

"Shawn! Bumalik ka." Habol na sigaw ni John Patrick, pagkatapos humalakhak siya.

Sumakay ako ng kotse ko at hindi ko na pinansin ang mga kaibigan ko.

"Cousin!" Bungad na bati sa'kin ng pinsan kong si Denver Claide, matanda siya sa'kin ng dalawang taon ngunit hindi ko siya nakasanayang tawaging Kuya.

"Anong Masamang hangin bakit narito ka sa mansion Denver?" sabi ko sa kanya ng makalapit ako.

"Wala naman! Namiss lang kita." Nakangising sabi niya sa'kin.  Bumalik ito sa pagkakaupo niyang nakadikwatro.

"Kamusta sila Tita Dianne at Tito Coby?"

"One week akong hindi pa umuuwi ng bahay. But, I'm sure okay naman sila."

Umiling-iling na lang ako sa kanya habang nakatingin ako. "Pasok muna ako sa kwarto Denver." Sabi ko bago ako tumalikod.

"Maganda si Ella Marie kahit mataba di ba, Shawn?"

Huminto ako at matalim na tumingin sa kanya. "Paano mo nakilala si Ella Marie?"

Nagkibit balikat siya. "Kung hahayaan mo siyang mawala sa'yo, baka magulat ka na lang hindi ka na niya kilala."

Nanahimik ako at napa-isip,

"Santiago ang apelyido mo, at wala sa lahi natin ang madaling sumuko sa love, kung mahal mo ipaglalaban mo. Di ba, ganyan ang mga Santiago?" nakangising sabi ni Denver. Tumayo siya at nagtungo sa  kusina. "I heard from my reliable source, magtatapat na ng pagmamahal si Andrei after pageant. Kung gusto mo siyang bumalik sa'yo unahan mo na." sabi niya. Pasipol-sipol pa itong nagtungo sa kusina habang nakapamulsa.

"Thank you Denver! Pero hindi ko ibibigay ang kalahati ng puso ko sa iba."

"Good." Tipid niyang sagot sa'kin.



Buong maghapon akong palihim na nakatingin kay Ella, hindi niya ako pinapansin kahit kaming dalawa ang mag-partner sa pageant. Pinipilit ko ang sarili kong wag siyang lapitan ngayon, may hinanda kasi akong plano para sa kanya ngayong araw.

"Shawn, nakausap ko ang mga kaibigan ni Ella Marie, at handa raw silang tumulong sa'yo." Sabi ni Hairu ng lumapit sa'kin.

Tipid akong ngumiti sa kanya. "Thank you."

"Umpisahan na ba natin?" muling tanong ni Hairu.

Sinipat ko ang wrist watch ko. Pasado ala-sais pa lang ng hapon. May mga pa-ilan-ilang estudyante pa ang nasa loob ng school. "Mamaya na sigurong seven o'clock." Tinanaw ko pa si Ella Marie na abala sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya.

"Okay." Sagot ni Hairu, pagkatapos umalis na siya.

Handa na ang lahat para sa plano ko para kay Ella Marie, mula sa labas ng School inabangan namin siya, plano namin siyang kidnapin kunwari para madala sa inihanda sa lugar kung saan may surprise ako para sa kanya.

"Shawn, ayan na sila." Sabi ni Hairu sa'kin. Dahan-dahan kong pinaandar ang kotse ko sa tapat nila Ella Marie.

"Hairu," tumingin ako sa kanya. Mula sa likuran, binuksan niya ang kotse at mabilis na hinila si Ella Marie.


"Teka! Sino kayo! Bitawan niyo ako!" sigaw ni Ella Marie, habang na pilit na kumakawala sa kamay ni Hairu. Nakatakip kasi ang mukha namin kaya hindi niya kami nakilala. Mabilis naman nilang naisakay sa kotse si Ella Marie, kaya agad kong pinaharurut ang sasakyan palayo.

"Ano ba ang kailangan niyo sa'kin!" sabi pa niya.

"Wala kaming kailangan sa'yo, wag kang mag-alala hindi ka namin sasaktan, wag ka lang maingay." Sinadya pa'ng baguhin ni John Patrick ang boses niya.

"Hindi ako naniniwala sa inyo! Tulong! Tulong!" sigaw pa niya.

Hinayaan namin siyang magsisigaw at magpumiglas dahil mamaya lang eepekto na sa kanya ang pampatulog na inihalo ng kaibigan niya sa juice na iniinom niya. Ilang saglit pa. Tuluyan na siyang nakatulog. Agad naming inalis ang nakabalot sa mukha naming tatlo.

"Ang sakit sa tenga ng boses ni Ella, malapit na akong mapikon kanina." Reklamo ni John Patrick.

"Pagpasensiyahn mo na, ganyan talaga mga babae. Nasaan na nga pala si Annaliza?" ani Hairu.

"Papunta na rin sila doon sa meeting place natin, Shawn, dapat ililibre mo kami sa pagtulong namin sa'yo." Anito.

"Sure, thanks!" sagot ko.

Dinala ko si Ella Marie sa isang restaurant na sinadyan naming rentahan para sa surprise na gagawin ko sa tulong na rin ng mga empleyado ng restaurant at ng mga kaibigan ko naging maayos ang lahat,

"Anong lugar ito? Nasaan ako! May tao ba diyan?" narinig kong sigaw ni Ella Marie ng magising siya. Madilim ang paligid ng buong resort kahit kaunting liwanag ay hindi mo makikita.

"Wag niyo ako takutin please!" sabi ulit nay.

Mula sa bulsa ko kinuha ko ang Cellphone ko at tinawagan ko si Hairu. "Umpisahan niyo na." sabi ko, habang nakakubli ako.

"Alright!" tipid na sagot ni Hairu.


Ilang saglit pa isa-isang bumukas ang kandila na may iba't-ibang kulay at nakasabit sa gilid ng restaurant. Ang nakakatawag pansin pa rito ay ang mga kandilang hinugis puso.

"Ang ganda!" hindi mapigilang bigkas ni Ella Marie.

Habang nakatutok ang mga mata niya sa mga Kandila, inutos ko namang patugtugin ang kantang Nothing gonna stop us now ng MYMP. Bitbit ang flowers ay dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Ang bilis ng tibok ng puso ko,

"Maganda ba?" sabi ko sa kanya.

Namilog ang mga mata niya ng tumingin sa'kin, pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. "Anong ginagawa mo rito?"

"Gusto kong i-date ang girlfriend ko." Sabi ko habang nakatitig ako sa kanya.

Sumimangot siya sa'kin. "Akala ko surprise sa'kin 'to Andrei, ikaw lang pala ang gumawa, makaalis na nga lang!" bago pa siya humakbang palayo sa'kin. Hinawakan ko ang braso niya.

"Don't leave me, hindi ako nakatulog ng maayos para lang sa surprise ko sa'yo. Pero ibang tao pala ang inaakala mo'ng gagawa para sa'yo." Sabi ko habang pigil na pigil ang nararamdaman kong galit.

"Sinabi ko ba na gawin mo yan?" Nakataas ang kilay niyang sabi. "Bitawan mo ako uuwi na ako."

"No way!" sabay hila papalapit sa'kin at niyakap ko siya ng mahigpit. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso para akong may mataas na lagnat dahil sa nararamdaman ko habang kayakap ko Ella Marie, nakadagdag pa sa pakiramdam ang romantikong lugar at ang sweet love song.

"Bakit mo ba ako pinahihirapan Shawn, bakit kailangan mo sa'kin iparamdam ang lahat ng ito, tapos sasaktan mo lang naman ako, masyado ka ba'ng galit sa'kin para paglaruan mo ang damdamin ko." Sabi niya habang nakayakap siya sa'kin.

Humugot ang ng malalim na paghinga, tapos hinigpitan ko ang paghapit ko sa bewang niya. "I love you Ella, I'm sorry kung anoman ang nagawa kong kasalan sa'yo. Please, wag mo naman akong layuan."

Bahagya siyang kumalas sa pagkakayakap sa'kin at tumingal upang titigan ako, "Hindi ko rin kayang tiisin ang binubulong ng puso ko, kalimutan muna natin ang lahat ngayon at i-enjoy natin kung anong meron tayo ngayon." Tipid pa siyang ngumiti.

"Pero hindi iyon ang gusto kong mangyari."

Mabilis niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang dalawang daliri niya. Nakatitig siya sa'kin. "Please!"

Bumuntong-hininga ako pagkatapos hinapit ko ang bewang niya, inilagay naman niya ang dalawang kamay niya sa leeg ko pagkatapos sumayaw kaming dalawa sa saliw na tugtog ng My Valentine.

"Babe.." bulong ko sa kanya.

Inangat niya ang mukha niya upang tingnan ako. "Hmm.."

"Pwede ka ba'ng makinig sa sasabihin ko?"

Pilit siyang ngumiti sa'kin, "Ang oras mabilis na lumilipas kung sasayangin natin ito. Baka wala ng oras ang dumating pa."

Nanahimik ako. At bumuntong-hininga. Akala ko magiging perfect na ang gabing ito para magkaayos kami ni Ella Marie, nagkamali pala ako, dahil sarado ang isip niya sa dapat naming pag-usapan. Hindi na kami nagkaroon ng pagkakataong kumain or kahit mag-usap. Dahil naubos ang oras naming dalawa na magkayakap habang sumasayaw.

"Sorry Shawn, hindi ka namin natulungan." Sabi ni Loraine ng magkita-kita kami, kakaalis lang ni Ella Marie sa Lugar na iyon.

"Okay lang, salamat sa inyo." Tipid pa akong ngumiti.

"Kung hindi siguro tumawag si Andrei Hindi sana—"

Napansin kong siniko ni Loraine ang kaibigan niya. Kitang-kita ko rin ang face reaction nilang dalawa.

"Kasama ba ni Ella Marie si Andrei ngayon?"

"Ha? Ahh- kasi.." ani Loraine.

"So magkasama nga sila," nakaramdam ako ng inis dahil sa nalaman ko, bagama't hindi direktang sinabi nila alam kong iyon ang tinutukoy nila.

Yumuko silang dalawa. "Nahuhulog na ang loob ni Ella Marie kay Andrei." Ani Annaliza.

Tikom ang kamao ko dahil sa nalaman ko, kaya pala ang dali para sa kanyang magalit sa'kin dahil may Andrei na pala siya. Hindi ako nakatulog sa kakaisip sa kanya. 'yon pala iba ang in-iisip niya. Pumihit ako patalikod at naglakad palayo sa kanila, hindi na ako huminto kahit akong tawag nila sa'kin, agad akong sumakay sa kotse ko upang umuwi, siguro tama na ang kahibangan kong ito para sa kanya. Tama na siguro ang lahat ng ito. Masakit na.

#NextchaptersIsMoreExciting.

MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon