Chapter 6

40.3K 1.2K 70
                                    

Ella Marie's P.O.V

"Ella Marie!!" dumadagundong na sigaw ni Mommy sa'kin ng mahuli niya akong Kumakain ng Chocolate sa Kusina. Mabilis kong sinubo ang kalahating bar ng chocate na may limang pulgada ang haba. Para akong nakikipagmarathon sa pagnguya at paglunok ng chocolate. Habang si Mommy nagmamadaling lumapit sa'kin. Hindi kasi effective kay Mommy ang bigla kong itatago ang chocolate kung saan dahil siguradong hahanapin iyon ni Mommy.

"Y-yes Mommy!" pinilit ko pa talagang magsalita ng maayos sa kabila ng pagnguya ko ng mabilis.

"Kumain ka naman ng Chocolate! Ilang beses ko na sayong sinabi na bawal kang kumain niyan!!" pasigaw ni Mommy sa'kin. Sa sobrang galit niya sa'kin halos lumaki ang butas ng ilong niya sa galit. Feeling ko nagsisitaasan na ang buhok niya na parang si Valentina kapag inilalabas ang mga ahas sa ulo niya. At ang mata ni Mommy, parang isang linggo suminghot ng katol. Tinalo si Edward colin sa panlilisik dahil sa galit.

"Eh, kasi Mommy nakita ko may naligaw sa Refrigerator. Namingwit ako ayon kinagat ng chocolate ang very Soft kong mga hands. So I'm so Bad naman kung hindi ko siya kakainin nagmamakaawa na siya." Sabi ko habang nginguya ko ang natitirang chocolate sa bibig ko.

Nilamukos ni Mommy ang mukha sa tindi ng inis sa'kin. Ikaw ba naman magdahilan ng namingwit eh, waley iyon syempre. Pasalamat na lang talaga at hindi ako kayang saktan ni Mommy sa kabila ng Galit niya sa'kin.

"Anong klaseng dahilan yan! Sinasabi ko na sa'yo! Magdiet ka! Pero puro lamon ka! Lastweek nagtimbang ka! Two hundred twenty pounds ka na! Imbes na bumaba tumaas! Ako ba Ella Marie inuubos mo ang pasensya ko!!" yung sigaw ni Mommy parang akala mo abot na sa planetang Mercury. Kung pwede ko lang takpan ang tenga ko ginawa ko. Pero baka mas lalong magalit sa'kin si Mommy masampal niya ako.

Yumuko ako. "Mommy.. Teka lang nauuuhaw ako. Magtitimpla lang ako ng juice."

"ELLA MARIEEE!!" dumadagundong na sigaw ni Mommy.

"Hu-hu-hu, bakit ba gano'n si Mommy. Ang bad niya sa'kin hindi ba pwedeng kumain nang kumain habang nabubuhay pa. Kasi kapag patay na ako 'yung uod naman ang kakain sa'kin. Concern lang naman ako sa kaligtasan ng uod eh, baka maging malnurish sila kung mamatay akong payat. Walang laman at sustansiya silang makukuha kung payat ako di ba?" kausap ko sa aso kong si Mimong.

Patahol-tahol naman si Mimong habang ang buntot niya galaw nang galaw. Hinimas ko ang ulo ni Mimong. "Mabuti ka pa Mimong naiintindihan mo ako." Sabay tungga ko ng juice. Nang masaid ko iyo tumayo ako at huminga ng malalim bago lumabas ng kusina. Naghihintay si Mommy sa sala sa'kin. Malayo pa lang kitang-kita ko na ang Mala-manjim boo na mukha ni Mommy dahil sa galit sa'kin. Umupo ako sa harapan niya. Ang malambot na sofa na kinauupuan ko ay hindi nakatulong para pakalmahin ang takot ko kay Mommy. Siguradong may punishment na naman ako.

"Mommy.." halos pabulong kong sabi. Nakatuon ang mga mata ko sa sahig habang nilalaro-laro ko ang kamay kong nakapatong sa hita ko.  Daig ko pa ang papatawan ng parusang kamatayan ngayon.

Huminga ng malalim si Mommy. "Masyado na akong naging mabait sa'yo Ella Marie." Panimula ni Mommy sa'kin.

"Parang hindi naman Mommy." Mahina kong sagot.

"ANONG SABI MO!!" sigaw niya

"Wala po, sabi ko ang sexy niyo sa suot niyong damit." Alibi ko. Hindi pala binge si Mommy ang lakas ng pandinig.

"Anyway, Since hindi ka talaga mapigilan sa paglamon mo. Kinakailangan na talaga kitang higpitan. Simula bukas hindi mo na magagamit ang credit card at ATM card mo."

Tumingala ako upang tingnan si Mommy. "No way! That's unfair!" sagot ko.

Tumaas ang kilay ko. "Unfair? Sana naisip mo 'yan noong pinagbabawalan kitang kumain."

MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon