Chapter 2

49.4K 1.5K 105
                                    


Shawn Skyler's P.O.V.

"So what's your plan Shawn?" tanong sa'kin ng kuya John Ace. Nakadikwatro pa siya habang nakaupo sa malambot na sofa. Kadarating lang nilang mag-anak galing sa pagbabakasyon sa Amerika.

Inilapag ko  sa table ang na-bake kong Fruit cake. Request kasi niya iyon bago pa lang siya Dumating.

"Plan?" pag-uulit ko.

"I was surprise na pagdating ko dito makikita kitang single. Tell me babae ba ang gusto mo?" nakakunot ang noo niyang tanong sa'kin ni kuya.

Kung hindi siguro nakakunot ang noo ni kuya John Ace. I-isipin kong nang-i-insulto siya. Pero dahil kilala ko si Kuya John Ace. Alam kong kailangan kong sagutin ng seryosong sagot. Umupo ako sa Harap niya at ngumiti ako. "Wala akong makakitang babae na papasa sa standards ko."

"C-mon, Wag kang maghanap ng perpektong babae. Baka mamaya sa bungi ka mainlove. Dahil sa kakahanap mo ng perfect girl."

"Kung sa bungi ako mainlove. Then  why not? Hindi ako namimili ng physical beauty ang gusto ko lang Kuya. Magkaparehas kaming marunong magluto. Para kami ang magmamanage ng bubuksan kong restaurant one year from now."

"Gusto mo bang hanapan kita?" nakangiting sabi ni Kuya J.A

Kumunot ang noo ko. "Why?"

"Last night tumawag sa'kin ang Ate Jhoace mo. At pinag-usapan namin ang tungkol sa love life mo. Medyo nag-alala lang kami. Kasi twenty ka na at ilang buwan na lang mag twenty one ka na. Ibig sabihin malalampasan mo ang Edad kung saan kami nagkaroon ng lovelife."

"Love? Hindi 'yan minamadali at lalong hindi 'yan hinahanap. Wag niyo akong madaliin dahil kusa yan darating sa'kin."

"May pustahan kami ng Ate mo." Nangiti pa siya sa'kin.

Kumunot ang noo ko. Hanggang ngayon ako pa rin ang paboritong pagtripan ng Kuya at Ate ko. Ako pa rin ang trip nila. Aisht!

"Wala pa rin kayong pinagbago. Ako pa rin ang gusto niyong pagtripan." Inis kong sagot.

Ginulo ni Kuya John Ace ang buhok ko. "Binata ka na nga Shawn. And I' m so proud of you because at your age marami ka nang acvhievement na nakuha."

"Thanks kuya."

"Anyway si John Axle nasaan siya? Si Fritzie lang ang sumalubong sa'kin."

"Parang si Axle kuya ang nagmana sa inyo ni Daddy. Ang bata-bata pa may girlfriend na siya."

"Pinayagan ni Mommy at Daddy?"

Umiling ako. "Hindi alam ni Daddy at Mommy. Kapag nalaman iyon makakatikim siya ng sakit ng katawan kay Daddy at Mommy."

"Ako muna ang magpapatikim sa kaniya ng sakit ng katawan pagdating niya." Sagot ni Kuya J.A.

"Sige kuya ikaw na ang bahala sa kaniya. Ayokong maunahan niya akong mag-asawa." Sagot ko.

"Shawn, kung magkukulong ka lang sa mansion hindi ka makakahanap ng girlfriend."

Magsasalita pa sana ako kung hindi tumunog ang cellphone ko. Isang tawag mula kay chef  kong sir Calixto Weibford. Isa siya sa pinakamagaling na Chef sa pilipinas marami na siyang competitions na sinalihan at lahat ng iyon nanalo siya. Kung hindi first Or second prize.

"Shawn, busy ka ba?" bungad niyang tanong sa'kin.

"Hindi naman po Sir. Bakit po?"

"Pumunta ka sa School at ikaw muna ang magdemo sa kanila kung paano gawin ang Double dutch cake. Nasa Restaurant kasi ako at hindi ako makalabas dahil maraming tao."

MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon