Chapter 37 interview
Ella Marie's P.O.V
Talaga naman si Tadhana oh, sadista yata sa'kin. Alam naman niyang nagmo-move on na ako kay Shawn. Ipinilit pa rin niyang ako ang gawing Writer at mag-interview sa kanya dahil gagawing pelikula. Ilang beses ko na ngang tinanggihan si Boss kahit doble ang bayad niya sa'kin. Kaya lang nang sabihin niya sa'king ide-demanda kami ng producer dahil hindi daw itutuloy ni Shawn Skyker kung hindi ako ang mag-iinterview at magsusulat ng kwento niya wala akong nagawa kung hindi ang pagbigyan siya.
Ayokong maging masokista. Pagkatapos niyang sabihin sa'kin na ako ang Maid of honor niya. Ano sa tingin niya may gana pa akong magpakita sa kanya. Wow! Ha? Ang lakas maka-arstisa, ano iyon after all the pain parang walang nangyari? Ang sarap niyang lunurin sa drum-drum kong luha.
"Ella, make it sure na tapos na ang problema natin kay Mr. Shawn Santiago."
Paulit-ulit na sinasabi sa'kin ni Boss at ibang co-writers ko na kasama sa project na ito. So, ako 'yung ipangsa-sangga nila pagkatapos kong tamaan ng katakot-takot na sama ng loob. Presto i-close ko ang deal. So happy sila ako broken.
"Bakit ang tahimik mo Miss Piggy bank?" tanong sa'kin ni Shawn.
Sinundo niya ako kaninang umaga. Upang puntahan ang lugar kung saan namin gagawing ang interview, I mean kung saan niya iku-kwento ang buhay niya. Oh, di ba akala mo bayani ng bansa kailang isa-pelikula ang buhay, pwede namang i-ere na lang sa tv. Dapat pelikula talaga. Dinaig pa ang sikat na artista.
Inayos ko ang sun glasses ko upang hindi niya masilip ang mga mata kong magang-maga dahil sa kakaiyak kagabi. Alam mo iyon pinagpuyatan mo ang pag-iyak para bukas move on ka na. Tapos pag gising mo siya pa rin una mo'ng makikita. Paano ako makakamove on niyan. Ang saket piggy besh!
"Wala akong sasabihin." Sagot ko habang nakatingin ako sa labas.
"Galit ka ba sa'kin dahil ipinilit ko sa'yo ang project na ito?"
"Kahit magalit ako, wala naman akong karapatang magreklamo."
Bumuntong-hininga siya. "I'm sorry, gusto lang kitang makasama habang nandito ako sa pilipinas."
Nilingon ko siya. "Bakit saan ka pupunta?"
"Babalik na ako ng Amerika."
"Sabagay do'n naman nakatira ang girlfriend mo di ba?"
"Nandito siya sa pilipinas at katabi ko siya."
"Anong sabi mo?" hindi ko kasi masyadong narinig ang sinabi niya. Napadaan kasi kami sa malakas ang busina ng sasakyan.
"Wala, never mind."
"Hindi ko masyadong narinig kasi ang ingay."
"Ella..."
Muli akong tumingin sa kanya. "Yan much better kung Ella ang tawag mo sa'kin. Pwede ba'ng Ella muna ang itawag mo sa'kin ngayon, wag muna tayo maging pormal sa isa't-isa."
Nilingon niya ako. "Sure, Ella."
"So, ano ba iyong sasabihin mo?"
"Gusto kong malaman kung masaya ka ba noong tayo pa'ng dalawa."
Bigla namang bumalik ang kirot sa puso ko. Huminga ako nang malalim.
"Siguro kung hindi ako masaya noon. Baka may asawa na ako ngayon."
"Sasabihin mo lang na masaya ka. Pinahaba mo pa." sabi niya
"Pakialam mo ba? Ako ang tinatanong mo eh, dapat tanggapin mo kung ano ang sagot ko." Sabay irap ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1
Teen FictionGwapo, matalino, magaling magluto pero suplado. 'Yan si Shawn Skyler Santiago ang anak ng legendary Casanova ng SPIA. Sino nga ba ang mag-aakalang pagtatagpuin sila ng isang two hundred ten pounds na babaeng anak ng isang dating beauty Queen? Paan...