Intro

5K 57 3
                                    

Minsan talaga ang buhay di mo matantsa. Nakaka praning, nakaka buang.

Marami tayong problemang hinaharap, alam natin yan

Siguro karamihan sa tao ay may problema pagdating sa pinansyal, kalusugan ang iba sa trabaho o kaya naman sa isang relasyon.

Problema, suliranin, bagabag kahit ano pa itawag pare pareho lang. Pero para saken yan lamang ang bagay na makapagpapatunay na tayo ay buhay at humihinga pa, pag subok kung tawagin ika nga. Kahit siguro ang pinaka mayayaman o ang mga taong narating na ang rurok ng tagumpay ay mayroon paring mga suliranin, imposibleng wala.

Naniniwala akong lahat ng problema ay sulusyon, pero ba't parang saken wala.

Ang mag kagusto at mag mahal sa isang kaparehong kasarian ay kailanma'y di sumagi sa isip ko, hindi ko alam kung anong plano ng Diyos at bakit ako pa ang naisipan niyang bigyan ng gantong pakiramdam. Komplikado, sobrang komplikado ng buhay ko, ewan.

Hiatus : a period of time when something (such as an activity or program) is stopped.

Sabi ng lalaking kanina pa kaka ngawa sa harapan  namin. kawawa naman siya halos lahat yata kami walang gana makinig sakanya ngayon.

Napatingin ako sa gawing kanan kung saan tanaw ko ang isa sa taong malaki ang ganap sa pagkalito ko ngayon.
Gustong gusto ko titigan at kabisaduhin ang bawat detalye ng kanyang mukha.

Napaisip ako bigla.
Pero, Pano kung bigla na lang mangyari o maramdam natin ang sinasabi nilang Hiatus, Yung oras na titigil na lang ang ikot ng mundo mo dahil sobrang hirap na hirap kana.

Sana may Hiatus button, para minsan matigil ko lahat, lahat ng sakit, pasanin, gulo, hirap at kung anu ano pa.

Sa mga araw na lumipas napapansin daw ng aking nanay na madalas daw akong tulala, kinukulit nga ako kung may problema ba daw ako.

Sabi ko naman wala, kahit ang totoo niyan e parang di ko na alam ang gagawin  dahil sa bigat ng dinadala ko, sobrang nalilito na ako, iniisip ko kung ano ba talaga ako.

"Mr. Buenaflor Can i get your attention for a moment!!?"

Sigaw saken ng English prof ko.
Nakatulala na pala ako.

Agad lang ako napukaw mula sa pag iisip ng malalim, nakalimutan kong nasa klase pala ako ngayon.

"Sorry p-po"
Hingi ko ng paumanhin, kita ko naman ang iba kong kaklaseng napalingon din saken. Agad lang ako umayos ng upo at tinuon ang atensyon sa tinuturo ni Sir. Kita ko naman na nilingon ako ng taong dahilan ng pagkatulala ko, pero di ako nagpahalata, yumuko na lamang ako para matakpan ang paniguradong namumula kong mukha.

Haayy...

Angelo Buenaflor nga pala, tawagin niyo kong Gelo ito ang kwento ng buhay kong nakakaloko at kung kayo kaya sa posisyon ko ano gagawin niyo.

Angelo (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon