A6

2.4K 48 5
                                    

Nakahanda  ang isang bag pak na dadalhin ko laman ang isang tshirt pamalit at baong pagkain. Alas tres pa lang ng umaga ay agad na nga akong naligo at naghanda para sa pag alis namin ni sir Paul

Sinuot ko lang ang nag iisa kong pantalon at simpleng puting tshirt na tinernohan ng rubber shoes.

Pati si inay ay nagising na rin ng maaga para daw masimulan na niya ang mga gawain sa bahay .
Matapos magayos ng gamit ay matiyaga lang akong naghintay kay sir Paul at si inay naman ay pumasok na sa mansyon.

Naka upo lang ako sa isang mono block na nakapwesto sa garahe habang nagaantay ay walang sawa kong iniisip kung anong mga pwedeng mangyari pag nagkita kami ulit ni kuya Joseph, nananabik na akong makita siya at miss na miss ko na ang taong tinuring kong kapatid, ang mga tawanan namin lalo na ang mga kulitan at asaran namin. May kung anong epekto sakin si kuya Joseph na parang sobrang laki ng parte niya sa buhay ko, iniisip kong sobra lang talaga siguro akong na attached kay kuya dahilan siguro kung bakit nalungkot ako ng sobra dahil sa di niya pag paramdam.

Iniisip ko rin ang dahilan kung bakit bigla siyang di nag paramdam. Maraming pumapasok sa isip kong dahilan pero masasagot na yun at salamat kay sir Paul.

"Anak wag kang pasaway kay sir Paul mo ahh"
Nagulat lang ako ng biglang nag salita si inay sa harap ko.

"Opo naman nay"
Pangsisigurado ko sakanya.

Kita ko naman na man kinuha ito sa kanyang bulsa.

"Oh eto nak, narinig ko sa radyo na mura daw ngayon ang presyo ng mga kakanin at pasalubong"
Sabi ni inay habang inaabot ang nakatuping perang papel.

Tiningnan ko naman siya ng may halong pagtataka.

"Ano kaba Angelo, hindi para saken o satin yan. Ibibigay ko kay Diana."
Sabi niya pa, kaya napakamot na lang ako ng ulo.

"Oh siya nakahanda na rin si sir Paul, pupunta na iyon dito maya maya"
Huling hirit ni inay na ikinatango ko lang naman.

Pag kabalik ni inay sa loob ng mansyon ay siyang labas naman ni sir Paul.

Halatang bagong paligo pa siya dahil basa basa pa ang kanyang buhok, napapahanga lang ako kay sir Paul dahil kahit suot lang nito ay itim na short at simpleng vneck na T-shirt ay ma dating at ma appeal parin. Kahit ano sigurong ipasuot mo ay babagay sakanya.

Di na ako magtataka kung habulin siya ng mga babae, sa porma at ayos niya pa lang ay mapapa nganga niya ang mga kababaihan, idagdag mo pa ang ganda at nakakahawa niyang ngiti.

Agad lang siya lumapit sakin habang nakangiti kaya napatayo naman ako bigla

Amoy ko ang panlalaking pabangong gamit ni sir Paul, ang pabangong maamoy mo lang ay iisipin mong may kamahalan at galing sa mayaman ang amoy.

"Good morning sir Paul."
Bati ko habang nakangiti.

"Good morning din Gelo."
Sagot niya sabay pindot ng remote ng kotse dahilan para tumunog ito.

"Ready?"
Tanong niya.

"Opo sir."
Sagot ko na sinuklian niya lang ng ngiti sabay pasok sa kanyang kotse.

Nagtaka naman ako dahil pumwesto siya sa driver's seat, hindi ba si kuya Jeff ang mag mamaneho.

Agad na lang ako pumunta sa gate at binuksan ito.
Nilabas lang ni sir Paul ang kotse niya kaya agad ko lang sinara ang gate, sumaglit lang ako sa kusina ng mansyon para mag paalam kay inay.

"Nay aalis na po kami."
Paalam ko.

"Oh siya mag ingat kayo."
Sabi ni inay.

Paglabas ko nga ay agad lang ako pumunta sa kotse at akmang sasakay na ako sa likod ng kotse ay biglang nagsalita si sir Paul.

Angelo (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon