A27

1.4K 38 67
                                    

Bunso.

Yan ang tawag ko sakanya..
Ang kauna unahang taong nag pasaya sakin ng lubos at kumiliti saking puso.

Siya ang nag paramdam saken na ako'y mahalaga, ako'y katanggap tanggap, ako'y may silbi at higit sa lahat, pinaradam niya saken na di ako nag iisa..

Nakatatak na sa aking isipan ang mga alaala naming dalawa at ang kanyang matatamis na ngiti na gumuguhit sa maamo niyang mukha satwing kami'y mag kasama noon.

Masarap balikan ang mga alaala masaya man to o malungkot dahil dito natin masasabi kung may saysay ba ang buhay natin dito sa mundo..

Aminin natin na kung minsan ang mga inaasahan natin o ang mga bagay na pinaplano na natin sa buhay ay sadyang hindi lang laan para saatin, gaano man natin ito ipilit. Masakit man tanggapin pero wala tayong magagawa..

Nakaupo lang ako sa damuhan ng aming hardin.
Suot ko pa rin ang Barong tagalog na pormal naming kasuotan sa aming pag tatapos habang hawak hawak ang isang envelope laman ang aking diploma.
Di ko agad natapos ang aking pag aaral sa daming ganap ko sa buhay.. halos mahigit isang taong akong nalugmok at nagpakain sa lungkot..
buti kamo at anjan lagi  si Janica sa tabi ko.. hayst..

anim na taon na ang lumipas.
Marami nang naganap. Mga bagay na di ko inaasahang mangyayari sa king buhay.. Mga taong dumarating, at meron din namang nawawala..

"Gaya ni bunso..."
bulong ko saking sarili.








"Joseph!!!!!"

Naputol ang aking pag mumuni muni at napalingon na lang ako ng marinig ko ang sigaw ng isang babae..

Agad ako napangiti nang makita ko siyang papalapit saken.. bitbit ang aming anak.

"Baby.."
agad kong sagot sabay tayo at pagpag.

Agad ko lang kinarga ang malusog kong anak at pinupog siya ng halik.

"Congrats bhe"
bati saken ni Janica habang pinanggigigilan ko pa ang baby namin.

"Thank you bhe."
Sagot ko sabat ngiti.

"Tara na sa loob at hinahanap kana ni mama"
Pag yaya niya saken..

"Sige tara.."
sabi ko sabay abot sakanya ng envelope.











Oo, tama yang nabasa niyo..
May anak na ako.. Anak namin ni Janica.. si Baby Uno
Mahabang kwento pero sige, papaikiliin ko para sayo..

























6yearsAgo

Dali dali pa rin akong pumunta sa ospital, sa kwarto ni bunso para tingnan kung maaabutan ko pa siya.. pero..

"Ahmm Sir Sorry, pero nadischarged na po si Mr. Buenaflor two hours ago po.
sagot saken ng nurse.

Para akong sira nung mga oras na yun, umaasa sa wala .. di ko na napigilan ang aking mga luha sa pag tulo.

Dahan dahan naman akong nag lakad papalabas ng ospital, ambigat ng aking katawan tila nakikisama sa bigat ng aking nararamdaman.
Pag labas ko ng ospital ay agad ako pumasok sa king kotse at dali daling pinaharurot ang makina..

Nung mga oras na yun ay parang gusto ko mag wala at mag sisigaw na lang..

Namalayan ko na lang ang aking sarili na naka upo sa isang silya sa loob bar at pilit nilulunod ang sarili sa alak..

"Babalik pa naman siya Joseph, wag kang praning!"
pag kumbinsi ko saking sarili...

Pero di ko magawang di magalit..
magalit sa sarili ko..

Angelo (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon