Kinaumagahan nga ay parehong gawe trabaho dito, trabaho dun hanggang sa nakasanayan ko na ang mga gawain, hindi naman pala nakakapagod kung aaraw arawin.
Tatlong linggo nga makalipas at gamay ko na ang mga trabaho ko dito, hindi na rin ako ilang o nahihiya sa mga amo namin dahil sobrang bait naman nila.
Laging wala ang mga amo namin at araw araw na alis, pati si Sir Paul.
Ngayong hapon nga ay plano kong linisin ang kwarto ni sir Paul dala ang timba, map at pamunas akyat ang kwarto ni sir Paul, pumasok lang ako sa kwarto niya.
Maganda ang kwarto ni sir Paul kulay puti at abo ang tema nito, may kalakihan walang binatbat ang kwarto ko sa probinsya, ang puting kama na halatang malambot ay may kulay abong comforter at mga unan, may banyo rin sa loob na kahit ito ay hindi pa rin makukumpara sa dating kwarto ko sa probinsya.
Ito na ata ang Pangalawang beses na lilinisin ako ang kwarto ni sir Paul.Matapos malinis ang higaan at kwarto ay sinunod ko naman ang banyo, medyo nakakahingal at nakakapagod dahil medyo may kalakihan ang banyo at kailangan ko talagang i-brush ang tiles na sahig at ding ding nito.
Hindi ko na alam kung anong oras ako natapos, itinabi ko na rin ang pinag gamitan ko sa pag linis.
Bago lumabas ng kwarto ay naupo muna ako sa upuan ng study table habang nag papaghinga ay napalingon ako sa mga litratong nakapatong lang sa tudy table.
Isang batang lalaki may hawak na baseball bat, hawig siya ni sir Paul napangiti lang ako habang hawak ang litrato, nakakahawa lang ang ngiti ng batang nasa litrato.Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako dahil sa lamig ng temperatura, napaisip ako bigla dahil malambot ang aking hinihigaan, minulat ko lang ang aking mata.
Dun ko na nakumpirma sa kama na ni sir Paul ako nakahiga, habang gulung gulo kung pano ako napunta sa kama ay agad lang ako bumangon, napansin kong nakabukas ang aircon.
Tatayo na sana ako at planong patayin ang airon ng biglang bumukas ang pintuan ng banyo. Si sir Paul ang lumabas dito walang suot na pang itaas halatang bagong ligo basa ang buhok at nakatapis ng twalya hanggang bewang at kita mo pa ang mga butil ng tubig na tulumutulo sa katawan nito.
Napatitig lang ako sakanya, napahanga ako sa ganda ng katawan ni sir Paul.
"Oh Gelo, gising kana pala."
Bigla niyang sabi habang pangiti ngitiAgad naman akong natauhan at kinabahan
"Ahh s-sir Paul, pasensya na po nakatulog ako di ko po sinasadya ang ala-"
"Shhhss"
Bigla niyang putol sa paliwanag ko, humakbang lang siya papalapit sakin"Okay na yun Gelo, atsaka salamat pala sa pag linis ng kwarto" sabi nito habang nakangiti.
Napangiti rin ako ng pilit.
"Sige po sir Paul, labas na po ako pasensya na ulit." Sabi ko at akmang lalabas na ng bigla siyang mag salita
"Kelan mo ba ako tatawagin sa pangalan ko lang"
Nilingon ko lang ito
"Pasensya na po"
Sabi ko habang nakayuko.Iang buwan pa nakalipas at tuloy pa rin ang paninilbihan namin ni inay sa mansyon, isang bagay lang ang natigil at yun ang kamustahan namin ni kuya sa telepono mahigit isang linggo na ang nakakalipas. Sa isang linggong yun ay pilit kong kinontak si kuya pero walang reply sa mga text ko kaya kahit di ko gawain ay nag load ako ng may kalakihan para lang matawagan siya pero wala pa rin. Hindi ko na ata mabilang ang tawag at mga text na pinadala ko kay kuya araw araw pero ni isa ay wala man lang akong nakuhang sagot.
BINABASA MO ANG
Angelo (Bromance)
Любовные романыThis is a Bromance story . If you are Homophobic feel free to step back.