A18.1

1.8K 38 22
                                    


(Eighteen point one)



"Umiiyak kaba Gelo?"
Tanong ni sir Paul matapos niya akong pasakayin sa kotse, katabi niya.

"Ahh. Hi-hindi po sir, napuwing lang kanina.."
Pag dadahilan ko at tanging tango lang ang tugon niya.

"Ano pa lang ginawaga mo dun sa waiting shed?"
Tanong niya.

"Seems like you were waiting for someone.."
Sabi niya pa.

Hindi ako nakasagot agad.. Nag iisip na naman ako kung anong idadahilan ko..
Bat ba ako mag dadahilan..
Kailangan ko ba talaga mag sinungaling kay sir Paul?
Hay..

"Gelo.. Okay ka lang."
Biglang tapik sakin ni sir Paul saking binti.

"Ah. Opo sir."
Sabi ko sabay bitaw ng isang ngiting pilit. At tango lang ang tugon niya.

Medyo mabagal ang takbo ng kotse dahil sa trapik kaya't ibinaling ko na lang ang aking atensyon sa labas na tanawin ng kotse. Umuulan pa rin at tila wala ata tong balak tumigil.
Ang lakas namang maka senti ng ulan.
Napabuntong hininga na lang ako..

Maya maya pa ay dinalaw na ako ng antok at tuluyan na ngang nakatulog.

Nagising ako dahil sa mahinang tapik saking pisingi.

"Gelo.. Andito na tayo.."
Si sir Paul.

Ramdam kong nakahinto na ang sasakyan pansin kong nakagarahe na rin ito. Bigla naman ako nahiya.

"Naku sir.. Andito na pala tayo.. Pasensiya na.. Nakatulog ako."
Sabi ko habang kusut kusot ang
ng mata ko.

"Oks. Lang.."
Maikli niyang sabi habang nakangiti.

Gusto ko pa sana siya tanungin kung sino ba nag abalang mag bukas ng gate. Siya o si inay, pero bigla niya na ako inaya lumabas ng koste.

Pag labas ng kotse ay kita kong andito na rin ang sasakyan ni tita Diana. Mukhang napaaga ang uwi ni tita.

Agad lang ako tumungo sa kwarto para mag palit pambahay.
Matapos makapag bihis ay agad akong nag tungo sa kusina ng mansyon para makatulong kay inay pero ala akong inay na nadatnan kaya lumabas ako ng kusina para hagilapin siya.

Halos nalibot ko na ang mansyon pero wala akong inay na nahagilap.

"San kaya yun?"
Tanong ko sa isip ko.

Bigla namang pumasok sa isip ko na kung wala si inay.. paniguradong si sir Paul ang nag bukas ng gate kanina habang ako'y tulog sa kotse.. O kaya... Si tita Diana.

"Hayysss... Nakakahiya ka talaga Angelo."
Sigaw ng utak ko.

Napakamot na lang ako sa ulo sabay bitiw ng isang malalim na hininga.

Bumalik lang ako sa kusina ng mansyon at nag tingin tingin ng pwede kong matrabaho.
Agad kong hinugot ang telepono ko sa bulsa para matawagan si inay.

Pero agad kong narinig ang ring ng telepono niya.
Agad kong hinanap ang telepono ni inay at natagpuan kong nasa ilalim ito ng isang bangko.

"Ba't to andito?"
Nagtataka kong tanong sa sarili.
Pansin kong may gasgas ang gilid na parte ng telepono, mukhang nabagsak ito kaya siguro nasa ilalim ng bangko.
Napakunot na lang ako ng nuo.

Pasado ala siyete na rin ng gabi kaya di ko rin maiwasan mag alala.

"Nay.. Wag mo kong pinag aalala."
Sabi ko sa isip ko.

Maya maya pa ay bigla akong nagulat dahil may kamay na biglang pumatong sa balikat ko.

Pag lingon ko saking likuran ay nakita ko ang walang iba kundi si sir Paul.

Angelo (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon