A25

1.2K 51 44
                                    




"I'll be honest with you Mrs. Buenaflor, kritikal ngayon ang kalagayan ng anak niyo. Ayon sa result, bukod sa isang bali ng isang niyang rib ay nakitaan din namin si Angelo ng damage sa left skull niya dahil siguro sa lakas ng pagkakatilapon niya ay nabagok ang ulo niya sa kung saan.. Good side wala kaming nakitang namuong dugo sa utak ng pasyente at wala ring tama ang spine niya..."
Sabi ng doktor.

"For now hindi namin masasabi kung kelan siya magigising.. we'll see what more we can do for him and we will give you a time to time updates. Let us pray for the best misis."
Dugtong niya pa.

Napapunas na lang ako ng luha matapos ko marinig ang mga sinabi ng doktor.

"Dok pakiusap. gawin niyo po ang lahat para sa anak ko.."
sabi ko habang di mapigil ang pag iyak.

"We'll do our best misis"
Sabi niya bago siya tuluyang umalis.

Buong gabi namin binabantayan ang anak ko at matiyang nag antay ng resulta ng mga test na ginawa sakanya, ngayo'y nga't naabutan na kami ng umaga.. Oras oras ay di ko mapigilang di maiyak. Parang dinudurog ang puso ko habang nakikita ko ang aking anak na naka higa at walang malay..

"Shhh... Rosa... tahan na.. Sigurado akong makakayanan to ng anak mo. palakasin mo ang loob mo.. tahan na.."
Si Diana na katabi ko lang habang pinalalakas ang aking loob.

"Salamat Diana.. Ang totoo niyan ay nahihiya na ako sainyong mag asawa.. Hindi ko alam kung pano ko kayo mababayaran sa mga utang na loob ko sainyo.."
Sabi ko.

"Sus naman Rosa.. ngayon kapa nag isip ng mga ganyang bagay. Nasa poder namin kayo kaya natural tutulungan namin kayo. Hindi na kayo iba samin Rosa, alam mo yan."
Sabi niya.

"Salamat.."
tangi kong sagot sabay yakap kay Diana.
Wala na akong masabi na kabaitan nila saamin ng anak ko.. Diyos ko pano na lang kung wala sila.






















(Paul)

"Toooot.... tooot.... tooooot.... toooot"
tunog ng makinang nakakabit sa katawan ni Gelo.

Agad akong nanghina nang una kong makita  ang walang ka malay malay niyang katawan..

"This is all my fault"
bulong ko sa sarili ko..

"Wala sana siya sa sitwasyong ito kung hindi ko inasa sakanya ang pag bili ng mga gagamitin ko.."
bulong ko sa sarili ko..

Awang awa sa kalagayan ni Angelo ngayon..
Di ko mapigilan ang maluha..
Nagagalit ako sa sarili ko dahil sa nangyari sakanya.

"He don't deserve this.."

Dahan dahan ko inabot ang palad niya.
"Gelo.. be strong. This might not be obvious  but Gelo .. I always care for you.. gumising ka diyan Gelo Please.."
sabi ko sakanya na parang naririnig niya ako.

"Lord please.. Save him. You know how much he means to me..."
Bulong ko at napa buntong hininga na lang ng malalim sabay pahid ng aking luha.

Sakto naman at nakabalik na sa kwarto si Nay Rosa at si Mommy.

Halata sa mga mata ni Nay Rosa ang pagod at puyat.

"Son. Me and Rosa will just go home to get some things.. Okay lang ba ikaw muna dito? mabilis lang kami."

"Yeah sure.. go ahead Mom."
sagot ko.

Pag kaalis nila ay kinuha ko lang ang isang monoblock at pumwesto sa tabi ni Angelo.

Pinag masadan ko lang ang walang malay niyang katawan. His face is so innocent..
Lumapit pa ako sakanya ng konti, sakto lang para mahimas ko ang maamo niyang mukha.

Angelo (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon