A17

2.3K 67 27
                                    

Sa totoo lang kanina pa dapat ako nakauwi pero di pa rin ako makagalaw saking kinauupuan. Lutang na naman ang isip ko.

Si kuya Joseph ay kasama ng mga lalaking nang away saakin kanina.
Andami na namang tanong na bumabagabag sakin.

Una, hindi ko alam na dito rin pala siya magaaral. Bat di niya sinabi. Kailangan ba sabihin?
Sabagay di ko rin naman natanong sakanya.

Pangalawa, bat di niya ako tinetext o kinokontak man lang. Galit ba si kuya Joseph saakin? May ginawa ba ako? Nagalit ba siya nung huli naming pag usap sa telepono? Kaibigan niya ba yung mga yung mga nang away saken? Kung oo, Alam niya ba ang ginawa saakin ng mga kaibigan niya? Siguro hindi, kasi kung alam niya ay panigurado akong bugbog sakanya ang mga yun. O baka alam niya talaga at..
At hinayaan niya lang kasi baka nga galit talaga siya saakin? Pero bakit?

Gusto ko sana lapitan kanina si kuya kaya lang ay mabilis sila nakaalis at dahil nga medyo masakit pa ang tuhod ko at ika ika pa, hindi ako makatakbo para habulin sila

Isang malalim na buntong hininga na lang ang aking nagawa.
Bukas. Pag bumuti na ang tuhod ko ay agad kong hahanapin si kuya Joseph. Itatanong ko sakanya lahat ng bakit.

"Ewan ko sayo Angelo"
Bulong ng isip ko.

Pinilit ko ng tumayo at inayos ang dala kong bag.
Lumabas ako ng campus ng mag isa. Susubukan kong mag commute pauwi para masanay na ako maaga pa lang.

Narating ko ang sakayan at pansin kong bus ang kadalasang sinasakyan dito ng mga tao, bibihira ang jeep. Medyo marami rami na rin kami nag aantay at panigurado akong paunahan ang sistema dito.

Ilang minuto pa ang lumipas ay may huminto ng bus, may dati ng sakay ang bus at parang mag papapuno na lang. Ang ibang nakasakay ay baba na pero tingin ko ay wala ng sapat na upuan para sa lahat ng mga kasama kong nag aantay at kung pipilit kami ay siguradong tayuan ang abot neto.

At tama nga ang hinala ko. Nag simula ng mag siksikan pa pasok ng bus ang mga kasabayan kong nag aantay. Balak ko sanang mag paiwan at mag hintay ng sunod na bus ngunit di maaari. Gumagabi na at kailangan kong makauwi para naman may katulong si inay sa mansyon.

Pinilit ko lang sumiksik sa mga taong paakyat ng bus.
Mahirap. Sobrang hirap. Meron yung natatapakan na ang paa mo o kaya nasisiko kana ng hindi sinasadya.
Malas ko at aksidenteng may nakasipa sa tuhod kong kanina pa kumikirot. Wala naman akong magawa kundi ang mapangiwi sabay kagat na lang saking labi at tiiisin ang sakit.

Nakapasok nga ako sa bus at gaya ng inaasahan ay wala ng upuan na bakante. Nasa bandang gitna ako ng bus nakatayo at nakakapit sa bakal na hawakan medyo siksikan na kaya ipinihit ko rin ang suot kong bag paharap dahil ayoko na maulit ang nangyari saken sa Mall. Mas mabuti ng nag iingat.

Matapos ang nakakahilong biyahe ay narating ko na ang daan pauwi sa mansyon. Literal na nakakahilo dhil sumakit ulo ko sa biyahe dahil siguro di pa ako sanay tumayo sa bus.


Pag dating ng mansyon ay pasadong ala sais ng gabi pero di pa naman madilim. Hindi ko na kailangan mag door bell dahil may susi na ako sa gate. Agad akong nag bihis pambahay at tiningnan ang tuhod kong kumikirot.
Pansin kong medyo maga nga ito kaya agad akong tumungo sa kusina ng mansyon para dapuan ko to ng yelo. Naabutan ko si inay na abalang nag hahanda ng hapunan ng mga amo namin.

"Nay, kadating ko lang po."
Sabi ko
"Mano ho nay."

"Oh andito kana pala, kaawan ka.."
"Magmeryenda ka muna"
Sabi ni inay

"Wag na ho nay, mag hahapunan naman na maya maya"
Sagot ko.
"Kukuha lang ako ng yelo nay"
Sabi ko.

"ikaw bahala. At aanhin mo naman ang yelo"
Tanong niya.

Angelo (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon