A8

2.5K 53 1
                                    

Natapos akong maglinis nag kotse pasado alas onse na ng gabi. Siniguradong malinis labas at loob nito. Bitbit ang mga pinag gamitan panlinis ay pumasok ako sa pintuan sa kusina ng mansyon, agad ko lang inayos at niligpit ang pinag gamitan ko.

Habang ako ay nag aayos ay iniisip ko rin kung ano ang masasabi o magiging reaksyon ni sir Paul sa ginawa ko. Napangiti lang ako ng maisip ko na natutuwa sakin at nag papasalamat si sir Paul dahil sa nilinis ko kotse niya.
Patapos na ako sa pag liligpit at nagulat na lang ako ng may biglang may humawak saking balikat kaya agad ko naman itong nilingon.

"Gelo? Bat gising kapa?"
Tanong niya saken, si sir Paul pala.

Kita kong nakaboxer short lang si sir Paul at walang pang itaas, tinungo niya ang ref at kinuha ang maliit niyang pitsel kung san siya lagi tumutungga.
Hindi ko alam kung bakit pero grabe ang dating ng katawan ni sir Paul. Siya na yata yung tipong hindi maaayawan o mababasted ng kahit sinong babae, bukod sa maitsura na maganda pa hubog ng katawan. Makinis ang may katamtamang puting balat ni sir Paul at mahahalata mo pa rin na laki siya isang may kayang pamilya.

Habang siya ay umiinom ay nakatitig lang ako sakanya at nag iisip ng kung anu anong magandang katangian niya na siyempre wala ako, napansin niya yata ang pagtitig ko kaya nahiya ako bigla at iniba ang direksyon ng aking mata at kunwaring abala pa rin sa pag liligpit kahit tapos naman na.

Ewan ko ba kung bakit lagi akong ganto, hindi ako sanay na may ibang taong nakahubad sa harap ko, kahit lalaki pa yan. Bigla kong naalala si kuya Joseph. Naalala ko na sakanya lang pala ako hindi nahihiya o naiilang pag hubad ako sa harap niya o siya sa harap ko. Kuya ko kasi siya e, akala ko kapatid turing niya saken.

"GELO!"

Biglang sigaw sakin ni sir Paul tama lang para pukawin ako sa pag katulala ko
Tiningnan ko naman siya at pangiti ngiti lang ito.

"bakit Paul?"
Tanong ko

"hay Gelo, tulala ka kanina at kanina pa kita tinatanong kung anong ginagawa mo at bat gising kapa.?"

Mahaba niyang paliwanag

"ah ehh yun po ba yung tanong..  pasensya na po, eh kasi naisipan ko pong bumawi sayo Paul, kaya nilinis ko ang kotseng ginamit natin kanina, e kakatapos ko lang po e ."

Mahaba ko ring paliwanag

"Naku, Gelo wala ka naman dapat gawin pambawi, ginusto ko rin namang sumama sayo kaya di mo na sana ginawa yun."

"ta mo' ginabi kapa tuloy"
Dugtong niya pa.

"so-sorry Paul"
Bigla akong napayuko at napipi bigla.
Akala ko matutuwa siya sa ginawa ko.

Ramdam kong humakbang siya papalapit saken kaya inangat ko ulo ko para tingnan siya.

Magkaharap na kami at kita kong nakangiti siya saken. Hinawakan niya ang dalawa kong balikat habang nakangiti pa rin.

"No Angelo, you're fine. Thank you for doing that. Don't feel sorry."
Sabi niya.

Bigla namang gumaan ang pakiramdam ko
Inalis na niya ang kamay niya saking balikat at kita kong nakatitig lang siya sa mukha ko habang nakangisi kaya agad kong kinapa ang mukha ko at baka may dumi o sabong naiwan kanina dahil sa pag linis.

"Paul, may dumi ba ako sa mukha"
Tanong ko.

Agad lang siya luminga linga pakanan at kaliwa, sensyales na wala.

"Hindi mo ba alam na kung gano ka putla ay ganon din kagrabe mamula yang mukha mo pag ikaw ay nahihiya"
Sabi niya.

Bigla naman akong napangisi sa sinabi niya at ang sunod na nangyari ay di ko inaasahan.

Angelo (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon