"Gelo oh"
Si sir Paul habang inaabot saakin ang isang card. Na sa tingin ko ay isang ATM card.Kumunot naman ang aking noo dahil di ko alam kung para saan ang card na to.
Andito na kami sa paradahan ng mga sasakyan ng campus at handa na lang lumabas ng kotse.
"Tss.. Kunin mo na Gelo. Andiyan ang monthly allowance mo.."
Paliwanag niya."Pero sir, sapat naman po yung bigay ni inay at... Siyempre di ko ho yan matatanggap, lalo na kung walang dahilan."
Sabi ko."Wag na matigas ulo. Eto dali kunin mo na. Kung iniisip mong sakin galing to e mali ka. Si mommy nag papabigay niyan.. bahala ka baka mag tampo si mommy pag di mo tinanggap."
Sabi niya."Ganun po ba.. Pero sir.-"
Sagot ko pero agad niya na akong pinutol at inabot ang card sa kamay ko"Shhh.. Eto, dali na Gelo at malelate tayo.."
Sabi niya sabay labas ng kotse.Wala na nga ako nagawa kundi ang ibulsa na lang ang card.
"Bahala na..."
Sabi ko sa isip ko.Dumiretso ako sa una kong klase at agad kong nakita si Janica, abala sa pag pipindot ng kanyang telepono kaya agad ko lang siyang tinabihan.
"Ohw.. You're here na"
Sabi nito na parang may magandang balitang sasabihin.
Ngiti at tango lamang ang tugon ko sakanya.Mabilis niyang inalis ang suot niyang earphone at pinatingin saakin ang kanyang telepono kaya ako naman ay napasilip.
"Ano to Janica?"
Maang kong sabi."Read it baby boy.. Dali.. "
Sabi niya na parang sinisilihan ang puwet sa sobrang likot.Agad ko namang binasa ang kanayng ipinakita.
"Mr. & Ms. U..?"
Basa ko."Yes yes yes."
Sabat ni Janica."At sasali ka jan"
Sabi niya pa na ikinangiwi ko."Nagbibiro kaba Janica? Para mo na ring sinabing puputi ang uwak"
Sabi ko habang napapangisi na lang."Hey"
Singhal niya."Wag ka mag alala Angelo.. month after next pa naman tong competition, we all have time in the world to prepare."
Sabi niya na puno ng pag-asa..
Tiningnan ko lang siya habang nakakunot ang aking noo.. Anong nakain ng babaeng to?
Pasensiya pero kailangan ko sirain ang ilusyon nitong bago kong kaibigan."Paumanhin Janica. Pero ayoko sumali sa mga ganyan. Tsaka di naman ako pasok sa mga ganyang kumpetisyon."
Seryosong sabi ko.."Iba na lang isali mo"
Dugtong ko pa."Look, alam mo Angelo. May laban ka dito. Cute ka Angelo kailangan lang konting ayos. Trust me."
Sabi niya.Seryoso talaga siya.
"Ahh.. Nica.. Pasensiya na talaga ahh... Wala talaga akong lakas ng loob sumali sa mga ganyan e.. Iba na lang."
Sabi ko."Hayy!"
Buntong hininga niya."Ahww. Sad. Akala ko mapipilit kita.. But anyways I'm just one call away if mag bago isip mo. Okay?"
Sabi niya paNapailing na lang ako habang naka ngiti ng pilit.
Nag simula na nga ang klase at awa ng Diyos dahil walang gumulo sa isip ko, mas napapagtuonan ko ngayon ang mga tinuturo samin.
Hindi ko ngayon naiisip masyado si kuya Joseph. Ewan ko kung bakit.
BINABASA MO ANG
Angelo (Bromance)
RomanceThis is a Bromance story . If you are Homophobic feel free to step back.