A4

2.6K 50 0
                                    

Nasa kusina pa rin kami ni inay at naghahanda rin ng kakainin naming agahan.
Di katulad ng inihanda namin kanina, simpleng sinangag at binating itlog lang ang para samin.

Hindi pa bumababa ang mga amo namin pero handa na ang agahan nila.

"Kain na tayo nak."
Biglang sabi ni inay habang naglalagay ng pagkain sa marmol na mesa.

"Tamang tama, para pag tapos nila kumain ay tuloy tuloy na tayo sa trabaho nak."
Dugtong niya pa na sinuklian ko naman ng tango.

Papasubo na sana ako ng biglang may tumawag samin.

"Oh kanina pa ba kayo? Dun na kayo kumain. Sabay sabay na tayo tutal kami lang naman ni Paul ang kakain"
Si tita Diana pala, halatang bagong gising lang at naka pantulog pa. Maganda si tita nagandahan ako sa kutis ni tita Diana, maputi at halatang alagang alaga ang balat sa kinis nito.

"Ay wag na Diana, ayus na kami dito."
Mabilis na tugon ni inay.

"Nahiya pa ang loka, e dati kapa namang sumasabay samin ahh.. Dali na kayong mag nanay at sabayan niyo na kami, ayoko ng papilit."

Sagot ni tita Diana habang humihikab.

Mukha talagang mababait sila dito, sana nga.

At ayun nga kahit nahihiya ay tumuloy pa rin kami sa Dining area dala dala ang kakainin naming agahan.

Naupo ako katabi si inay bandang kaliwang parte ng mesa samantalang kaharap namin si tita Diana at anak niya.

Di naman ako makatangin sa kanila dahil sa hiya kaya nayuko na lang ako.

Abala sila sa pag kain at kami rin.

Tahimik lang kami kumain at pawang nagbabanggaang kubyertos lang ang maririnig mo.

"Uhm. Nga pala Rosa, kumuha ako ng labandera namin, natin."

Pagbasag ni tita Diana sa katahimikan.

"Ay bakit Diana, hindi ba malinis ang mga labada ko, may nasira ba akong damit, mabaho ba o-o.."
Si inay na parang nag aalala.

"Huy. Ano kaba. Hindi no, magtigil ka nga, ang ayus ayos mo kaya mag laba."
Saway ni tita Diana.

"Gusto ko lang mabawas bawasan trabaho mo dito, atska baka naman sabihin netong si.. Si... Ano ngang pangalan mo iho?"

Pagtukoy saken ni tita Diana. Sasagot na sana ako ng biglang sumagot ang katabi niyang si sir Paul, na  ikinatingin ko naman sa kanya.

"Angelo, his name is Angelo Mom."
Sabi nito habang nakangiti. Tinanguan ko naman ito.

"Yun na nga, baka isipin ni cute Angelo na inaalipin ka namin dito masyado."
Si tita Diana sabay tawa. Kita ko lang na nakitawa na rin si inay.

"Umuwi na ba si Nay Lita?"
Si inay

"Ahh oo kagabi pa."
Maikling sagot ni tita Diana.

"Oh Paul mukhang nag kakilala na kayo ng maayos nitong si Angelo."
Si tita Diana.

"Nag sorry kana ba Paul kay Angelo sa pinag gagagawa mong kalokohan kagabi."
Dugtong niya.

"Ow yeah, i forgot."
Sabi ni sir Paul

"Sorry talaga Angelo, napagkamalan  kitang akyat bahay."
Sabi nito sabay bitaw ng alangang ngiti.

"Okay na po yun sir Paul wala po yun."
Sabi ko habang nakangiti rin. Kahit ang totoo niyan ay may konting kirot parin saking balikat.

"Just Paul Angelo, I'm cool with that."
Sagot nito.

Ang sarap niya pakinggan tuwing mag iingles siya hindi siya yung tipong pilit mag ingles, natural na natural sakanya.

Angelo (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon