There you go.. Enjoy reading! :)
Vote, comment after. :)::SuperJhie
Nakakabingi.
Tunog lamang ng mga nag babanggaang kubyertos ang maririnig sa hapag kainan pero bat ganun, nakakabingi pa rin ang katahimikan. Ako lang ba mag isa?, hindi, marami kaming kumakain. Pero tahimik, sobrang tahimik.
Bakit bigla ako naiilang? Bat bigla bigla akong nawawalan ng gana kumain? Bakit di ako makatingin sa mga taong kasabay ko kumain, lalo kay.. Kay Sir Paul.
Bakit?Patuloy akong nakayuko habang abalang nginunguya ang pagkaing laman ng aking bibig at abalang hinihimay ang karne saking plato gamit ang mabibigat na kutsara't tinidor.
Nakayuko habang naghahantay ng isa sa mga tong babasag sa nakakailang na katahimikan.
"Angelo?"
Nagulat ako bigla dahil tinawag ni tita Diana pangalan ko, katabi ko lamang siya nakaupo sa hapag kainan at abala din sa pagkain."Angelo Huy?!"
Tawag ni tita Diana ulit.
"ahh tita!, ano po yun?"
Mabilis kong tugon."Ayos ka lang ba?, tulala ka jan?"
Tanong niya.Napadako naman tingin ko sa taong kaharap ko sa mesa.. Si sir Paul.
"O-opo tita, ayos ako"
Sagot ko habang pasulyap sulyap kay sir Paul.Nakatitig din siya saken at di ko alam kung bakit kaya agad ko binabawi ang mga tingin ko sakanya. Galit ba siya dahil sa narinig ko kanina?
Gusto ko sana sabihin sa kanya kanina na hindi ko sinasadya makinig sa usapan nila at humihingi ako ng despensa. O kaya di ko sasabihin o di ko ipagkakalat kung ano man yung narinig ko.., pero, hindi ko alam kung bakit bigla umurong dila ko at bigla akong nakaramdam ng hiya kay Sir Paul.
"Tulala ka na naman"
Si tita DianaNilingon ko lang siya at binigyan ng ngiting pilit.
Sabay sabing.
"Ano ho yung sasabihin niyo tita?""Wala naman, gusto ko lang malaman kung may gamit na kayo sa pasukan."
Sabi ni tita, at binalik ko agad ang tingin ko kay sir Paul na ngayon ay abala nang kumakain, kaya binalik ko ang atensiyon ko kay tita Diana."Siguro mom bukas na po ako bibili, I'm free naman e."
Biglang singit ni Sir Paul."Ohw great! So.. Isasama mo tong si Angelo"
Biglang sabi ni tita Diana.Agad naman akong natigil sa pagkain at biglang napatingin kay sir Paul, nakatingin din siya saken pero agad niyang binawi at tuloy lang sa pagkain. Pereho kaming nagaantayan ng isasagot. Kita kong malamlam ng mga mata niya.. Hindi tulad ng dati.
Alam ko na.. Galit talaga siya saken.
Nakakainis. Bat ba kasi narinig ko yun.. Kasalanan ko.. Tsk.Ako na ang nagkusang mag salita dahil baka ako pa mapahiya at ayoko ng ganun.
"Ah. Siguro po ngayong darating na sabado na lang ako bibili ng mga gamit ko. Medyo marami rami pa po akong tatapusing gawain dito tita Diana."
Pag dadahilan ko sabay pasulyap sulyap kay sir Paul na parang di man lang nakikinig at tuloy lang sa pagkain."hmm. Sigurado ka?"
Si tita Diana.Napalingon naman ako kay inay na katabi ko kumain. Napatango lang din siya sa sinagot ko.
"Opo. Opo tita."
Sagot ko."Oh sige. Kayo bahala. Basta pag may kailangan kayo, mareng Rosa magsabi lang, saken o dito kay Paul"
Sabi ni tita na sinagot ko naman ng isang tango at ngiti.
BINABASA MO ANG
Angelo (Bromance)
RomanceThis is a Bromance story . If you are Homophobic feel free to step back.