A10

2.1K 71 2
                                    

Magkababata pala sila ni sir Paul.
Pero di niya alam kung nasan ito? Uso naman ang text o tawag ah,  Ewan.

"Sino yun?"
Tanong sakin ni inay pagkatapos ko maisara ang gate.

"Kobi daw nay e. Kaibigan daw ni sir Paul"
Sagot ko

"Sabi ko naman wala si sir Paul"
Dugtong ko pa.

Tango lang ang sinagot ni inay.
Agad lang ako bumalik saking trabaho para tapusin ito.

Kinagabihan nga pagdating ni sir Paul ay binaggit ko sakanya na dumaan ang kaibigan niya.

"Nakauwi na pala siya"
Rinig kong bulong ni sir Paul, hindi na lang ako umiimik.

"sige Gelo salamat. Pahinga kana"
Sabi pa nito at sabay akyat tungo ang kwarto niya.

Pag pasok sa kwarto ay agad ko lang ipinahinga ang pagod kong katawan.
Nakatitig lang ako sa kisame ng maliit kong kwarto at nag iisip ng mga bagay bagay.

Bigla namang pumasok sa utak ko si kuya Joseph.

Nasan na kaya siya?
Masaya kaya siya ngayon?
Siguro naman oo, kasama na niya mga magulang niya e.

Kinalimutan na ako ni kuya, pero siya di ko kayang kalimutan.
Miss na miss ko na ang kuya ko.

Hindi ko namalayan na mag umagos na palang luha saking mata agad ko naman itong pinunasan gamit ang kamay. Dala na rin siguro ng pagod dahil sa trabaho ay agad naman ako nakatulog.

Mabilis lumipas ang araw at ngayon nga'y araw ng Biyernes at patungo kami sa paaralan upang tingnan kung nakapasa ba kami sa pagsusulit.

Nung una ay tinaggihan ko pa si sir Paul sa pagsama ko dahil marami talaga akong gagawin ngayon sa bahay, pero anong magagawa ko amo ko siya at ayoko naman mag mukang papilit.

Kinakabahan ako sa magiging resulta.
Kagabi bago matulog ay panay dasal ko na sana ay maganda ang kahinatnan ng pagsusulit ko.

Napahinga na lang ako ng malalim.

"Kinakabahan kaba?"
Si sir Paul

"opo eh"
Sagot ko habang pangiti ngiti.

"Ako rin e."
Sabi niya na nakangiti rin

"Pero makakapasa tayo, alam ko"
Sabi niya na may halong kumpyansa.

Nginitian ko na lang siya.
Magdilang anghel ka sana sir Paul sabi ko sa isip lang.

Pagbaba sa kotse ay agad oang kami pumunta sa isang malaking building kung saan may malaking kumpol ng mga estudyante.

Narito na kami sa isang malawak na hall kung saan nakapwesto ang mahabang bulletin board paskil ang mga pangalan ng mga estudyanteng nakapasa.

Medyo siksikan kaya sa likod muna ako ng ibang estudyanteng nauna sa harapan.
Ng makahanap ng pagkakataon ay agad akong sumiksik pagitna at pumunta sa harap ng board.

Alphabetical ang arrangement kaya madali ko mahahanap ang pangalan ko dito.
Agad kong tinuro sa papel ang aking hintuturo para mahanap at mabasa ang mga apelyido sa papel.

Bercasio
Binay..
Bose..
Bonitez..
Buena..
Buenaflor, Angelo A.

Napangiti ako ng makita ko ang pangalan ko sa papel. Bigla akong nabuhayan at parang gusto kong sumigaw sa sobrang saya ko.

Lumingon ako sa may gawing kaliwa ko habang nakangiti pa abot tenga at kita kong may nakatingin pala saken.

Di ako pwedeng magkamali, siya yun. Ang lalaki sa likod ko sa pila ng entrance exam at yung pumunta sa mansyon na nagpakilalang kababata ni sir Paul.

Angelo (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon