A26

1.2K 30 18
                                    




"I listen to the wind, to the wind of my soul
Where I'll end up, well, I think only God really knows
I've sat upon the setting sun
But never, never, never, never
I never wanted water once
No never, never, never

I listen to my words but they fall far below
I let my music take me where my heart wants to go
I swam upon the Devil's lake
But never, never, never, never
I'll never make the same mistake
No, never, never, never"


"Gelo.. gumising kana.. please.."
bulong ko habang panay ang haplos ko kanyang palad sabay halik dito.

Agad kong kinusot ang maluhaluha kong mga mata..
Dalawang linggo nang nakaratay si Angelo at tila wala pa rin siyang progress. I can feel how everyone's worried for him. but I believe na makakayanan to ni Gelo.

"Kapit lang Gelo"
bulong ko..

Agad ko namang pinatay ang tugtog saking telepono..
Tuwing hapon, pag tapos ng klase ay diretso na agad ako dito para  mabantayan at makita ko siya. Pinapatugtog ko lagi ang isa sa mga paborito kong kanta na laging nagpapagaan ng aking pakiramdam habang kinakausap ko siya kahit alam kong di siya nasagot.

His innocent pale face.. his pinkish dry lips. He looks so fine to me and I am attracted to him. Hope you'll get up soon from that very long sleep.. my Angel.

Sumapit ang alas sais ng gabi ay dumating na nga ang kapalit ko sa pag babantay kay Gelo.. walang iba kundi ang kuya kuyahan niyang si Joseph. At some point I did realize that Gelo really means a lot to him, I see how he cares so much to Gelo and It's okay for me if one day gumising si Gelo at sagutin niya agad tong mokong na to.

"Tol, may pagbabago ba?"
tanong niya na sinagot ko naman ng iling.
Kita ko kung paano kumunot ang noo niya tila lalong nababahala..

"Don't worry bro,  gigising din siya. Just pray and trust Him"
sagot ko sabay tapik sa balikat niya..

"Sige, una na ako.. bantayan mong yang mabuti ahh"
dugtong ko.

"Sus ako pa ba?"
sagot niya.

Agad ko lang hinablot ang aking bag at naglakad papa labas ng kwarto.

Pag uwi na bahay ay naabutan kong nag uusap si Mommy, Nay Rosa at ang bisita namin.. Ang tatay ni Gelo.

agad lang ako lumapit kay Mommy para bumeso at mag mano kay nay Rosa.

"How's Angelo"
tanong agad ni Mommy.

"As usual mom. Tulog pa rin siya.. May nurse kaninang nag check sakanya.. for update daw and.. andun na po si Joseph nagbabantay."
sagot ko..

Kita ko naman ang matinding lungkot sa mukha ni Nay Rosa.
Halatang halata ang pagod, puyat at sobrang pag aalala sa kanyang mukha ngayon.

"Nay gigising si Gelo.. tiwala lang tayo"
Sabi ko kay nay Rosa na tango at pilit na ngiti lang ang nasagot

"Hmm.. anyway.. Paul son, umakyat ka muna sa kwarto mo at itutuloy lang namin ang pinag uusapan namin dito ahh."
Biglang singit Mommy.. kita ko namang napatango lang ang Father ni Angelo.

"Ah.. sure mom.. bihis na ako"
sagot ko sabay diretso sa hagdan papaakyat sa kwarto.

Matapos mag bihis ay nilabas ko lang ang mga notebook na hiniram ko kay Janica.
Yes si Janica, we met sa hospital nung pangalawang dalaw niya kay Gelo, sa totoo lang familiar siya saken pero di ko maalala kung saan kami nagkita, anyways.. since she claimed that she's a closed friend/classmate with Gelo ay araw araw ko hinihiram ang notes niya at matiyaga kong pinophoto copy to.  I need this so Gelo won't worry that much pag nagising na siya..

Angelo (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon