A7

2.4K 43 5
                                    

Labis ang pagkalungkot na nararamdaman ko ngayon dahil sa pag kawala ni Kuya Joseph.
Pilit kong pinipilit paniwalain ang sarili ko na sana ay hindi totoo ang mga nalaman ko, ngayon nga ay isang malaking "bakit" ang gumugulo saken.

Napag pasyahan namin ni sir Paul na bukas na lang bumiyahe pabalik dahil gabi na at tuloy parin ang buhos ng ulan.
Ngayon nga ay nasa isang kwarto kami at todo asikaso ako kay sir Paul, isa lang ito sa mga paupahan na kwarto ng namayapang si Manang Lora kaya alam kong hindi sanay si sir Paul sa tulad nito.

Kakatapos ko lang mapalitan ang kobre kama at mga punda, hindi naman kalakihan ang kama at kasya na siguro ang dalawang tao doon. Alam kong di ito kasing ganda ng kama ni sir Paul pero sinigurado ko namang kumportable ang pag higa niya mamaya.

Kasalukuyang naliligo si sir Paul at ako naman ay nag handa na rin ng higaan ko sa sahig.

Matapos mag latag ay nahiga na lang ako, maraming bahay ang gumugulo sa isip ko ngayon, puro si kuya ang naiisip ko. Pilit kong inaalala ang mga sinabi sakin ni Ate Norma kanina.

**

"Bigla na lang po kasing hindi nag paramdam si kuya, kaya nag aalala po ako baka ano na pong nangyari sakanya."

Sabi ko

Agad lang ako tiningnan ni ate Norma na may halong lungkot.

"Alam ko naman na sobrang malapit kayo ni Joseph, kaya nga di parin ako makapaniwalang hindi siya pormal na nag paalam sayo.

Napakunot lang ang aking noo at agad akong naguluhan sa mga narinig ko.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?"

Tanong ko.

"Si Joseph, kinuha na siya ng mga tunay niyang mga magulang."

"Sinama na siya sa abroad kung saan ang mga magulang niya naninirahan."

sabi ni ate Norma.

Sa puntong yun para akong nanghina bigla. Labis ang aking pagkabigla, nalungkot ako sa pag alis ni kuya pero mas nalungkot ako kung bakit di man lang siya nag paalam saken.

"kahit si Joseph ay ayaw sumama sa kanila.
Nag hinala kami kung sila ba talaga ang tunay niyang mga magulang pero nung magkwento sila ay napaniwala agad kami, atsaka sobrang hawig ni Joseph ang lalaking pumunta dito na nagpakilalang ama niya."

Mahabang paliwanag ni ate Norma

Tuloy lang siya sa pag kwento ngunit wala ng pumapasok sa tenga ko niisang salita, nilamon na ako ng kalungkutan sa puntong iyon. Bumalik ako sa wisyo ng mapansing may luhang pumatak saking braso kaya agad ko naman itong pinunasan.

**

Nakwento rin sakin ni ate Norma na may kaya ang mga magulang ni kuya.
Kaya para maibsan ang lungkot at tampo ko kay kuya ay iniisip ko na lang na gaganda ang buhay niya kasama ang mga tunay niyang mga magulang.

Atsaka sino ba naman ako, tipikal na kaibigan niya lang naman ako at mga tunay na magulang na ang kaharap niya kaya iniisip ko na lang na kung ako nasa sitwasyon niya ay di ko na papalampasin ang pag kakataon.

Siguro ay sobra lang ako napalapit kay kuya Joseph kaya ganun na lang ako mag isip, at siguro isang kabigan lang ako sakanya na madaling kalimutan. Siguro ganun nga.

Sa pag iisip nga ay di ko na namalayan na nakatulog na pala ako, mahimbing ang tulog ko at presko ang bawat dampi ng hangin saking balat siguro dahil maulan sa labas.

Isang araw nakita ko si kuya Joseph na nag lalakad papalapit sakin, nakangiti siya at  gayun di ako, maaliwalas ang kanyang mukha at tila sinasabing salubungin ko siya, hindi ko alam kung bat hindi ako makagalaw, kahit anong pilit kong ihakbang ang dalawa kong paa ay parang hindi ito tumutugon sa gusto kong mangyari. Tila may nakadagan dito na mabigat sapat para di ako makalakad. Wala akong magawa kundi ang banggitin ang pangalan niya paulit ulit.

Angelo (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon