"I listen to the wind
To the wind of my soul
Where I'll end up, well, I think
Only God really knows
I've sat upon the setting sun
But never, never, never, never
I never wanted water once
No never, never, neverI listen to my words
But they fall far below
I let my music take me
Where my heart wants to go
I've swam upon the devil's lake
But never, never, never, never
I'll never make the same mistake
No never, never, never"Napakagandang kanta ang pumukaw saking pagkakahimbing, napaka lamig ng boses ng taong pinanggagalingan ng tinig na iyon, para akong dinuduyan sabay haplos ni ina saking noo.
Dahan dahan kong minulat ang aking mata. Tanaw ko ang liwanag na pumapasok mula sa bukas na bintana. Naninibago ang katawan ko sa lambot ng aking hinihigaan, dala ba to ng pagod sa trabaho tingin ko hindi.
Plano pa sanang sulitin at namnamin ang pagkakahiga sa malambot na higaan ng biglang gumuhit saking isipan na alila lang pala ako at ako'y nakahiga sa kama ng aking amo. Ang aking among lasing kagabi at ayaw ako paalisin sa kanyang tabi.
Hindi ko alam kung bakit pero ako'y nakaramdam ng tuwa. Parang may kung anong kumikiliti saking loob na nag dulot ng walang kontrol kong pag ngiti kahit wala namang dahilan.
"Gising kana pala"
Naputol ang aking pag mumuni muni ng madinig ko ang tinig ng aking amo. Agad akong napatayo sa kama at inayos ang sarili.
Kita ko si sir Paul na nakatapis lang ng twalya kaya agad akong tumalikod sakanya.
"Ah- oo sir Paul, Go-Good morning"
Sabi ko habang nakangiting pilit."oh? Problema, bat ka tumayo?"
Sabi niya."humarap ka nga Gelo, hindi naman ako nakahubo."
Sabi pa niya, kaya dahan dahan kong pinihit ang sarili pa harap sakanya."mukha pa namang ansarap ng tulog mo, abot tenga ngiti mo kanina e."
Dugtong niya pa, kaya lalo akong nahiya."Hindi ko talaga Paul sinasadya na makatulog sa kama niyo"
Paliwanag ko agad habang nakatingin sakanya."ano kaba. Okay lang yun, gusto mo gabi gabi pa dyan matulog e."
Sagot Niya.Napangiti na lang ako ng pilit
Lumabas ako ng kwarto niya at diresto nag lakad sa bahay namin. Alas otso na pala ng umaga pero medyo makulimlim, may pakiramdam akong uulan ngayong araw.
Nakasalubong ko si inay na abala sa pag wawalis ng labas ng mansyon.
"Oh Angelo, gising kana pala, maligo kana at mag agahan nang ikaw na magtapos ng hinihiwa ko dun sa kusina"
Utos ni inay.
Agad ko naman ito sinunod pero hinuli ko ang pag agahan at pagligo, hindi kami sabay ngayon ng mga amo namin sa agahan dahil balita ko ay maagang umalis si tita Diana at si sir Paul daw ay sa labas kumain habang ako'y tulog sa kwarto niya. Nakakahiya talaga. Kapal ng mukha mo yan ang umaalingawngaw sa utak ko tuwing naiisip kong natulog ako sa kama ni sir Paul, dalawang beses na ako nakakatulog sa kwarto niya, yung pangalawa nga lang ang medyo nakakahiya na.Matapos maligo ay agad kong tinuloy ang trabaho sa mansyon.
Ilang linggo pa ang lumipas at namalayan ko na lang na magkasama kami ni sir Paul sa isang damitan, ngayong araw ay napag isipan ni sir Paul na dapat daw e may bago man lang akong damit na maisusuot sa pasukan.
Nabanggit sakin ni sir Paul na walang uniporme ang papasukan naming unibersidad kaya ngayon ay bibilhan niya raw akong mga panlabas na damit.
Ngayon nga ay palakad lakad kami sa ikalawang palapag ng isang sikat na mall.
BINABASA MO ANG
Angelo (Bromance)
RomanceThis is a Bromance story . If you are Homophobic feel free to step back.