A22

2.1K 55 60
                                    




"Sigurado kang okay lang sayo yun? I mean, grabe.. It is obvious Angelo. You are being bullied!"
matigas na sabi ni Janica.

nasa tambayan kami ngayon at kakatapos lang ng pang umaga naming klase.

"Oo nga.. okay lang yun... Ano naman kung malaman ng lahat na house boy ako.. Para namang ang laking problema na."
sabi ko.

"Angelo.. I am not saying na mali ang pagiging house boy OKAY!"
Si Janica..

"Alam ko."
Tipid kong sagot.

"What I mean Angelo, nabubully kana! gets mo ba? and we should not tolerate this!"
Sabi niya pa.

"Hay nako Nica.. ayos nga lang.. atsaka wala namang nasaktan dahil dun."
Sagot ko.

"RIGHT! Wala. WALA PA! what if Angelo kung lumala to?"
Dugtong niya..

Napaisip ako.. minsan talaga may mga punto ang sinasabi nitong kaibigan ko e, di ko lang maamin.
Kaso.. masyadong ring OA at praning.

"Tama na Nica. Sabi ko ngang okay lang."
walang gana kong sagot.

Siya naman ay sumimangot lang. Sinuklian ko naman ito ng isang ngiting pilit.

"Ewan ko sayo."
Si nica sabay balik atensyon sa librong kanina niya pa binabasa.

Ilang minutong katahimikan at bigla ko naalala ang pag punta sakanila para gumawa ng group project namin bukas.

"Uhm. Niks pala.. may sasabihin ako."
pagtawag pansin ko sakanya

"Ano yun?"
Siya, habang nakatutok pa rin ang atensyon sa libro.

"Bukas pala, susunod na lang ako sa bahay niyo. Nautusan kasi ako ng boss ko bumili ng mga gagamitin sa special project niya"
Pag paalam ko.

"Basta sumunod ka! Pag kami inindiyan mo wala kanang ka team"
banta niya.

Ako nama'y napatawa dahil dun.

"Opo madam Nica"
sagot ko.




Natapos ang klase at ako'y dali daling sumakay ng bus para makauwi agad.

Ngayong hapon daw kasi ibibigay ni sir Paul ang listahan ng mga bibilhin ko bukas, Oo bibilhin ko mag isa kasi di niya raw ako masasamahan.
Gusto niya na personal niya daw maibigay ang listahan dahil may bibilhin daw akong mga bagay na baka di ko pa alam at kailangan niya ito ipakita saken.

Habang nasa biyahe ay agad kong kinuha ang aking selpon sa bag at nag simulang mag text kay kuya Joseph, para ipaalam sakanyang pauwi na ako..

Pag kababa ng bus ay agad akong sumakay ng shuttle papasok ng subdivision.

5:05PM
Pagkakita ko sa relo ng katabi kong lalaki sa shuttle.

napabuntong hininga lang ako ng malalim.

"Hays.. baka kanina pa ako inaantay ni sir Paul."
sabi ko sa isip lang.

Medyo mabagal ang shuttle kaya nang matanaw ko ang gate ng mansyon ay agad na lang ako pumara.

Dali dali akong tumakbo papalapit sa gate ng mansyon at pansin kong may lalaking nakatayo sa harapan nito.

Pormal ang kasuotan niya.

Kulay puti ang suot nitong long sleeve polo na nakatupi hanggang siko habang naka tuck in sa suot niyang itim at hapit na pantalon na pinaresan naman ng isang kulay indigo na sapatos.

Kung tatantiyahin ay tila nasa trenta anyos ang edaran ng lalaki. Maputi, matikas at maganda ang tindig. Halatang galing sa may kaya na pamilya.

Ilang saglit pa ay bigla na lang siya napaatras sabay bukas ng pinto at pasok sa isang kotse na nasa likuran niya lang sabay paharurot nito papaalis.

Angelo (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon