A23

1.3K 34 38
                                    


"Hayyyyyy!"
Napapabuntong hininga na lang ako..

Pagod. Ano pa nga ba?
Pagod sa trabaho..
Bugbog ang utak kakaisip.

"Hay.."
Isa pang mamalim na pag hinga.

Agad akong dumiretso saking kwarto at nilapag sa mesa ang dala kong bag.

Agad akong nag salin ng alak sa nakahandang baso sa mesa, katabi lang ng aking bag.
Naupo lang ako sa king kama at napaisip.

"Ano kayang ginagawa ng mag ina ko ngayon?"
Bulong ng isip ko.

Napakatahimik. Kaya inabot ko ang remote at binuhay ang telebisyon

Binuksan ko ang telebisyon pero wala dun ang aking atensyon.. lumilipad pa rin ang aking utak.. inaalala ko ang huli kong punta sa bahay na tinutuluyan ng mag ina ko.

Wala akong balak takutin ang binatilyong aking nakausap.. naramdaman ko ang lukso ng dugo sakanya... sa totoo lang.. nakita ko agad ang sarili ko sakanya..

Sayang.. Ni hindi ko man lang nakuha ang kanyang pangalan..

Napainom na lang ako ng alak mula sa baso.

Maya maya pa ay naka tutok na lang ang aking mga mata sa telebisyon.. tila binabantayan ang susunod na ipapalabas dito..

"News Update! Isang binatilyo ang biktima ng Hit and Run sa kahabaan ng Ayala Street pasado alasais i-medya ngayong gabi. Duguan at walang malay ang binatilyo matapos ma rescue ng ambulansiyang rumisponde dito. Ayon sa mga nakasaksi ay tumatawid lamang ang binatilyo nang biglang sumulpot ang rider ng nakabanggang motorsiko. Angelo ang pangalan ng binatilyo ayon sa pag kakilanlan ng mga pulis. Pinaghaha.....-"

Hindi ko na pinatapos ang balita sa telebisyon.
Di ko alam pero bigla ako kinabahan sa king narinig.
Hindi kaya?

"Angelo?.. Diyos ko wag naman sana."
bulong ko.

Ilang minuto pa ako naupo saking kama at nag isip isip..

Di kaya dahil di siya saakin nakipag kamay nun ay sa kadahilanang nagulat ko siya... dahil... magkapangalan kami?

"Pano kung siya nga?"
bulong ng isip ko.

Kailangan ko maniguro bago pa mahuli ang lahat.
Agad kong nilagok ang natitirang alak sa baso at binalik ito sa mesa.

"MA!"
Sigaw ko.

Agad ako nag ayos at dali daling lumabas ng aking kwarto.

"MA!"
pag ulit ko.

Aligaga akong lumabas ng bahay dala ang susi ng aking kotse.

"What's the matter?"
Salubong sakin ni Mommy.

"Ma. I just need to check my son if he's okay right now. I heard from the news na may na hit and run na binatilyo sa place kung san malapit nakatira ang anak ko. and... and kapangalan ko ang binatilyo na nasa news..".

"Hey.. Son.. don't so be paranoid. Do not overthink, it can be a diffirent person... and.. besides.. You haven't confirmed yet if dun talaga sila nakatira."
Sabi ni Ma..

"Pero ma... malakas ang pakiramdam ko na anak ko yung nakita ko sa bahay na yun. Im just thinking that what if siya talaga iyon at siya rin ang nasa news..
I really need to make sure na hindi talaga siya yung nasa news Ma.. I have to go."
Sabi ko sabay labas ng bahay diretso sa aking kotse..

"Mag iingat ka Angelo"
Bilin ni Mommy bago ako tuluyan makalabas ng gate.

Malakas ang kabog ng dibdib ko ngayon habang nagmamaneho papunta sa lugar kung saan nangyari ang aksidente.

Angelo (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon