A15

2.6K 75 42
                                    

"Naks. Ang pogi natin ahh"
Sabi ni sir Paul matapos ko siya puntahan sa hardin ng mansyon kung saan siya nag hihintay sakin habang himas himas ang asong si Sid.

Bigla lang ako nakhiya sakanya at napayuko na lang.

Alas otso pa lang ng umaga at di ko alam na ganto pala kaaga  kami aalis kaya mejo ako'y naaligaga at dalidaling nag ayos.

Ngayon nga ay handa na kami para mag pa enroll at syempre para samahan  siya sa pamimili ng gamit niya sa pasukan.

Suot ko ngayon ang puting sapatos na binigay sakin ni sir Paul kahapon. Akin ding sinuot ang kupas na pantalon at puting Tshirt na sa tingin ko'y bagay naman iterno.

"Let's go, Gelo"
Sabi pa niya at agad tinungo ang garahe bitbit ang aso para kunin na ang kanyang sasakyan.

Ako naman ay dumiretso sa gate para bukasan na ito.
Maya maya pa ay tuluyan na ngang pinaandar ni sir Paul ang kanyang kotse at inalabas na ito ng mansyon.
Matapos masara ang gate ay bumalik lang ako sa kusina ng mansyon para mag paalam kay inay.

"Mag ingat kayo nak. Mag text na lang kayo kung dito kayo manananghalian ahh."
Si inay.

"Sige po nay"
Sagot ko naman

"O siya lakad na at masama pinag hihintay ang amo"
Hirit ni inay.

Agad lang ako napangiti

"Sige nay salamat"
Sabi ko at sabay lakad palabas ng mansyon.

Naabutan kong nakatayo si sir Paul habang nakasandal sa kanyang kotse. Bigla ako natigilan, napatitig na parang ewan at di ko alam kung bakit.
Kanina ko pa siya nakita nakaayos pero bigla ko lamang  napuna ang suot niyang itim na pantalon na tinernohan ng pink na polo at itim na sapatos.

Magaling talaga siya manamit at mag dala. Sa tingin ko basta nakaka angat ka siguro sa buhay lahat atang ipasuot sayo ay babagay.

Napapaisip na lang ako bigla at tinatanong ang sarili kung bat siya nag kakagusto sa kapwa niya lalaki. Napakalaki niya talagang sayang.

"Angelo"
Tawag niya saken na ikinagising ng diwa ko.

"Sir?"
Sabi ko na parang nagulat.

"Tulala ka jan. Tara na, pasok na sa kotse."
Sabi niya at sabay pasok sa kotse.

"Ah.. Sorry po"
Sabi ko habang naka ngisi na parang ewan, napakamot na lang ako saking batok at agad lang sumakay ng kotse.

Habang nasa biyahe ay matiyaga lang akong nag mamasasid ng mga tanawin sa labas.
Malamig sa loob ng kotse dala ng hangin buga ng aircon,  nakakalibang din ang mga tugtog na nanggagaling  sa radyo.

Tahimik lang kaming dalawa ni sir Paul. Walang umiimik.
Siya sa driver's seat at katabi niya naman ako.

Wala ni isang salitang lumabas saming mga bibig habang nasa biyahe kanina hanggang sa nakarating na nga kami  dito sa eskwelahan. Eto nga't andito kami sa isang silid nakaupo at naghahantay matawag ang aming mga numero sa pila para makag enroll na.

Gaya nga sinabi ko Engineering ang kinuha kong kurso at Dentistry naman kay sir Paul. Halos isang oras kami nagantay at kita kong marami pang dumarating na mag papa enroll din. Buti na lang at inagahan namin.

Pasado alas dyes na kami natapos mag pa enroll at naka labas sa silid kung san kami matiyagang pumila. Dala ang mga papel na inabot samin kanina ay agad lang namin tinakbo at pinasok ang sasakyan dahil sobrang init sa labas.
Pag kaupo ko ay agad binuhay ni sir Paul ang makina ng sasakyan at naramdaman ko na naman ang  preskong buga ng hangin mula sa aircon.

Angelo (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon