A3

2.8K 74 11
                                    

Namangha ako sa ganda ng lugar kung san kami bumaba ni inay mula sa Taxi na sanakyan namin papasok sa Subdivision.

Kami nga'y ginabi ng makarating, pasado alas syete na yata ng gabi.

Mukang mayayaman talaga naka tira dito, pansin kong ang gagara ng mga bahay o dapat bang tawaging mansyon.

Nakatayo kami ni inay sa harap ng isang mataas at kulay itim na gate gawa sa bakal. Pero kahit gano kataas ang bakal na gate masisilip mo pa rin ang itaas na parte ng bahay sa loob nito.

Walang duda, talagang nakaka angat sa buhay ang pinapasukan ni inay.

"Eto ang bahay ng amo ko anak."
Biglang sabi ni inay.

Naglakad lang ito naglakad patungo sa doorbell at pinindot ng dalawang beses.

Maya maya pa nga ay mag isang babaeng may katandaan na ang nag bukas sa gate at sumilip.

"Nay Lita." Sabi ni inay sa matanda.

"O ikay pala yan Rosa, tara dali pasok"

May ngiti niyang sabi kay mama.

Agad lang kami pumasok ni inay. Nakaramdam ako ng biglang pag sakit ng ulo at pang hihina, di ko alam kung bakit.

"Eto naba ang anak mo?."

Tanong ng matandang nag bukas samin habang kami ay nag lalakad papasok sa malaking gate.

"Opo nay Lita, si Angelo po."
Sagot ni inay.

"Abay kagwapong bata. Hawig na hawig mo Rosa."
Pag puna ng matanda.

Ngumiti lang kami ni inay.

Dumaan kami sa likod ng mansyon imbis sa harap, may mga bisita daw kasi ang Apo ni Nay Lita.

Dumeresto kami sa kusina at inilapag ang mga bitbit naming gamit sa isang sulok.
Malawak ang kusina, at may marmol na patungan o mesa sa gitna.

"Kayo bay kumain na Rosa?"
Sabi ng Nay Lita na abala sa pag tingin sa bukas na ref.

"Eto merong tirang ulam kaninang tanghali initin mo na lang." Dugtong niya habang bitbit ang isang malaking tupperware na may takip.

"Ay, ako na po Nay Lita." Agap na tugon ni inay sabay agaw sa bitbit ng matanda.

"O siya sige kumain na muna kayo para makapag pahinga na, bukas na tayo mag usap usap tutal wala pa naman ang mag asawa bukas pa raw makakauwi, yung apo ko lang nandyan at may bisita pa."

Sabi ng Nay Lita.

"Ahh sige po nay Lita salamat, ako na pong bahala dito at mag pahinga na po kayo"
Tugon ni inay.

At yun nga pagkaalis ni nay Lita ay di ko na iwasang mag tanong kay inay.

"Amo rin po ba sya nay?"

"Oo anak, si nay Lita. bait nya no, ayaw niyang tinatawag syang Ma'am, nay Lita na lang daw. Siya ang nanay ng kaibigan ko na amo din natin."
Sagot ni inay

"Hindi naman talaga nakatira dito si Nay Lita, siguro nalamang wala ako dito kaya napasugod bigla,baka naisip na walang kasama dito ang nag iisa niyang apo na si Paul"
Sabi pa ni inay

Habang kami ay kumakain
Rinig kong may mga lalaking nagtatawanan, napaisip ako baka yun yung mga bisita.

Si nanay ang naghugas ng pinagkainan namin, masakit pa rin ang ulo ko mula kanina.

"Ipahinga na lang natin yan anak, sigurado akong pagod lang yan."
Sabi ni inay matapos mag hugas.

Agad lang namin binitbit ang mga gamit naming dala lumabas sa mansyon at tinungo ang isang may katamtamang laki na bahay sa gilid ng mansyon.
Dito siguro ang bahay pahingahan ni inay..

Angelo (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon