A14

2.7K 66 51
                                    

"Kuya Joseph

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kuya Joseph.."
Bulong ko bigla.

(Insert background song Bloom by Troy S.)

Andito siya. Andito siya.
Paulit ulit na sigaw ng utak ko.

Parang biglang nawala ang mga tao sa paligid at siya lang ang nakikita ko.. Timigil  ata ang orasan. Totoo ba to, o panaginip lang?

Lubdub lubdub lubdub...
Kabog ng dibdib ko, at bat pinag papawisan ako ng malamig?

Nakapako lang tingin ko sakanya habang nanunuyo ang aking lalamunan.. Bigla ako nauhaw at hindi ko alam kung bakit.

Di ko rin alam kung bat ako nangingig.
Lahat ng alaala namin ay biglang nagbalik.
Lahat ng tawanan at masasayang alaala sa probinsya.
Bigla ako nakaramdam ng lumbay na may halong kasiyahan..
Hindi ko maipaliwanag kung ano tong nararamdaman ko.

Pansin ko na may nag iba sakanya.
Iba na pananamit niya,  pumuti siya ng kaunti at iba na ang nakagawian kong ayos ng buhok niya, yun lang. Pero aaminin ko. Mas gumwapo ang kuya Jospeh ko ngayon, alin mang pinagbago niya ay bagay sakanya. Totoo nga ang balitang nakakaangat sa buhay ang mga tunay na magulang ni kuya Joseph, kung ganun man ay masaya ako para sakanya.

Mahigit dalawang buwan lang ang lumipas at parang
nag ibang tao na siya, pero siya pa rin to alam ko. Ang kuya Joseph ko.

Hindi ko ata alam kung pano ako lalapit o ano sasabihin ko sakanya.

Hindi naman siya sobrang layo saamin, sapat lang para matanaw ko siya.
Abala siya sa pag pipindot sa hawak niyang telepono.
kaya siguro di niya pansin na ilang hakbang lang ang layo ko sakanya.

Pati yun ay napansin ko, dati nung nasa probinsya pa kami ay hanggang tingin lang kami sa mga poster ng mga mamahalin at magagarang telepono na gusto namin mabili balang araw..

Mukhang nabili na niya ang gusto niya..
Sabi ko sa isip ko lang at napangiti ng kaunti.

Ang kaibigan ko na tinuring kong tunay ko ng kapatid ay nasa harap kung muli.

Iba ang awra ni Kuya Joseph saken. Iba ang dating niya.
Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko, para bang sasabog.
Andito ka kuya Joseph, andito kana.. Sigaw na naman ng utak ko.

Agad namang tamakbo ang bata sa papunta sa kinatatayuan ni Kuya Joseph.

Kita kong ibinulsa niya ang hawak niyang telepono at ikinarga ang batang lumapit sakanya.
Sa puntong yon ay tuluyan niya na nga akong nakita.

Hindi maitatangging nagulat din siya, sa una ay kunot ang kanyang noo habang papalapit sa kinatatayuan namin ng matandang babaeng tumulong saken kanina, pero agad itong nawala matapos makalapit sa kinatatayuan namin. Dito ko nakita ko sa mga mata niya ang saya at pagkasabik sa pag kikita naming muli.

Angelo (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon