A9

2.2K 48 0
                                    


Narating namin ang eskwelahan kung saan kami kukuha ng entrance exam ni sir Paul.
Nakakamangha lang ang mga gusali sa loob ng paaralan, halatang may kaya at mga mayayaman lamang ang mga nakakapasok dito.
Nasa loob pa kami ng sasakyan at kasalukuyan pang nag hahanap si kuya Jeff ng espasyo para maparada na ang sasakyan, tanaw ko mula sa loob ng kotse kung gano kalaki at kaganda ang paaralan na ito, ngayon lamang ako naka kita ng eskwelahan na may elevator sa loob ng gusali.

Napaisip ako bigla. Hindi biro ang matrikulang ibinabayad ng mga studyante dito, ito na siguro ang pinaka magandang paaralan na nakita ko.

"Naka nganga ka nanaman"
Biglang sabi ni sir Paul habang pangisi ngisi ngayon nga ay abala siya sa pag ayos ng bag niya may kinuha siyang papel at iniaabot sa akin.

"Ano po to?"
Tanong ko.

"Yan ang iaabot mo mamaya sa registrar mamaya para maka take ka ng test."
Sagot niya.
Tumango tango lang ako habang nakatitig sa kapirasong papel.

Sabay kaming bumaba ng kotse ni sir Paul at tinahak ang daan papunta sa isang building kung saan maraming estudyane rin ang halatang papunta roon.

Habang ako ay nag lalakad ay puna kong may mga nakatitig saking mga ibang estudyante, hindi yung paghangang titig kundi titig ng pag mamata, tinitingnan nila ako ulo hanggang paa na parang sinusuri at nag tatanong kung bakit ako nandun.
Bigla ako nahiya, oo nga pala Paaralan to ng mga mayayaman, at kung ikukumpara walang wala ang suot ko ngayon sa kanilang ayos talagang mahahalata mo ang kinaibahan ko sa kanila.

Yumuko na lang ako at di na sila pinansin.
Bigla kong naramdaman ang braso na bumigat sa king balikat na dahilan para mapa lingon ako para tingnan kung sino iyon.

Si sir Paul lang pala. Inakbayan lang ako. Tumingin din siya sakin at ngumiti, ang mga mata niya'y parang nag sasabing "okay lang yan at hayaan ko sila"

Ginantihan ko naman ito ng ngiti.

Malaki ang gusaling pinasukan namin at may mga estudyante na rin sa loob
Pag pasok ay agad kaming dumiretso sa isang matandang babae na tingin ko'y nasa edad 45-50 anyos na. Sakanya pala namin ibibigay ang kapirasong papel na kanina'y inabot saken ni sir Paul.

Syempre sunod sunod lang ako kay sir Paul. Pag tapos namin sa matandang babae ay dumiretso kami papasok pa hanggang makita ko ang isang maikling pila ng mga estudyante, pumwesto lang si sir Paul sa pila at ako nama'y sa likod niya.

Mabilis naubos ang pila at namalayan ko na lang na si sir Paul na pala ang sunod.
Kita kong binigyan si sir Paul ng parang isang ID pero puti lamang ito at walang kung anong letra o sulat.
Sinuot ni sir paul ang lace sa leeg niya, kung pano isuot ang kaswal o ordinaryong ID at agad ako nilingon.

"Ikaw na ang sunod, isuot mo lang ang ibibigay nilang access card at pumasok ka dun."
Sabi niya, kahit hindi ko alam kung ano gagawin ay napatango na lang ako, ayoko na mag tanong pa ng kung anu ano at baka mapahaba at ma abala ang nasa likod kong pila.
Agad na nga siyang lumakad pakanan papuntang pintuan na kaninang itinuro niya.

"ehem"
Rinig kong sabi ng lalaking nasa likuran ko kaya napalingon ako bigla

"pasensiya na."
Sabi ko sakanya.

Kaya agad ko na nga sinunod ang proseso makapasok lang sa kwartong yun.
Sobrang komplikado naman ng paaralan na to, iniisip ko na ganto pala ang mga mayayaman, mahilig sa komplikado. Haha.

Ngayon nga ay nakaupo na ako sa upuan na nakalaan lang talaga para saakin.Kita kong may manipis na paper sheet sa desk ng upuan ko marahil ito siguro ang pagsusulit. Kita ko si sir Paul na kumaway sakin nasa bandang unahan siya ng malaking silid at ako naman ay nasa gitnang parte. Pansin kong nag sisimula na ang iba sa pagsagot kaya agad narin kong binuklat at sinagutan ang papel.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagsagot ng may biglang sumipa sa likuran ng aking upuan, nilingon ko naman kung sino ito.

Namukhaan ko naman agad kung sino ito dahil siya yung lalaking nasa likuran ko sa pila kanina. At bakit naman niya sinisipa ang upuan ko? Baka may kailangan siya, ewan. Wala akong ideya.

Tiningnan niya lang ako, wala siyang emosyon. Hindi ko matantsa kung galit ba siya o ano, ewan.
Binawi ko na lang ang pag lingon ko at tinapos sagutan ang mga tanong.

Matapos ang dalawa't kalahating oras ay natapos din ang pag susulit sa wakas.
Agad ng nag sitayuan ang mga kasama ko sa kwarto at abalang nag ayos ng kani kanilang gamit.

Nilingon ko lang ang lalaki kanina sa likuran ko, pero nagtaka ako dahil wala na pala siya. Wirdong tao sabi ko sa isip lang.

"Gelo"
Biglang tawag ng pangalan ko.
Si sir Paul pala. Nasa harap ko na pala siya hindi ko namalayan.

"Paul, andyan ka pala. Tara na?"
Sabi ko na sinagot naman niya ng tango.

Habang papalabas ng paaralan ay panay kwentohan lang kami ni sir Paul, puro tungkol sa mga tanong at sagot namin sa pag susulit kanin ang bukambibig naming dalawa habang nag lalakad papunta na sa lugar kung san naka park ang kotse.

"tingin mo sir Paul makaka pasa ako?"
Bigla kong natanong.
Nasa kotse na kami pauwi

"huh, oo naman. Bakit hindi?"
Sabi niya.

Nginitian ko na lang siya ng tipid.
Sa totoo lang medyo mahirap ang pagsusulit, hindi ako masyado pamilyar sa ibang tanong. Nanibago ako bigla pero sigurado naman akong lahat ng alam ko ay binuhos ko lahat sa pagsagot.

Ibang iba talaga kalidad ng pag tuturo dito kesa sa probinsya lang.

"Relax!!!"
Sabi ni sir Paul habang tinatapik ang balikat ko, ngiti lang ang naisukli ko sakanya.

Matapos ang araw na yun ay balik sa dati, balik utusan at house boy ako, wala namang bago. Si sir Paul at mga magulang niya ay ganun din, alis dito, alis dun.
Nabanggit ni sir Paul na sa Biyernes malalaman ang resuta ng exam.
Kinakabahan at medyo nasasabik ako malaman ang resulta ng pagsusulit. Nagdadasal na lang talaga ako na sana makapasa.

Isang hapon ay pansin kong di masyado tirik ang araw at maulap ang panahon kaya napagdesisyonan kong trabauhin ang hardin. Matapos makuha lahat ng gagamitin ay nagsimula na nga ako sa trabaho.

Nasa kalagitnaan ako sa pag puputol ng damo kaya hingal at tagaktak na rin ang pawis ko ng biglang may mag door bell sa gate, ayoko sana tumayo para buksan dahil iniisip kong si inay ang unang lalabas at magbubukas ng gate, pero mali ako, naka apat na katok at doorbell na ang naririnig ko at wala paring nagbubukas ng gate kaya ako na ang tumayo sa kumaripas takbo sa gate.

Nasa harap na ako ng gate at pinihit lang ang lock para mabuksan ito.

Isang lalaki ang nakita kong nakatayo sa harap ng gate agad rumehistro ang mukha niya sa isip ko at hindi ako pwedeng magkamali siya yun. Siya nga.
Ang lalaki sa eskwelahan. Ang nasa likod ng pila at upuan ko.

Pero anong ginagawa niya dito? Siguro kakilala ni sir Paul. Pero wala siya ngayon?

"ehem! May i come in"
Sabi niya sa tonong mapangdikta.

Bigla naman naalala ng utak ko na kabilinbilinan ni tita Diana at ni inay na wag daw ako mag papasok ng hindi ko kilala, nagkalat daw sindikato ngayon dito. Pero iba to, siya yung lalaking nakita ko sa eskwelahan. At kung susuriin hindi siya magmumukhang kriminal mukha siyang modelo.

"p-pasensya niya ho sir. Bilin ho kasi ng amo ko wag magpapasok ng di ko kilala"
Sabi ko. Kita ko namang kumunot ang noo niya kaya wala akong nagawa kundi kagatin ang labi ko.

"ano po o sino po bang sadya nila"
Dugtong ko.

"well forget bout it.?you look so familiar anyway, have we met before?"
Sabi niya. Na sinagot ko naman ng pailing senyas na hindi.

"hmmm. I am Paul's childhood friend. My name is Kobi andyan ba siya?"
Sabi niya.

"wala po siya ngayon sir e, umalis."
Sagot ko naman.

"Ganun ba, paki sabi na lang dumaan ako ah."
Sabi nito at tumango naman ako.

Agad naman siyang umalis sakay ng dala niyang kotse.

Angelo (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon