A2

3.1K 48 1
                                    

"Ano po nay?, ambilis naman po ata"

Gulat kong pag kasabi matapos sabihin ni inay na bukas ng madaling araw na ang luwas namin sa Maynila.

Pag kauwi ko galing tambayan, kinagabihan nga habang ako'y abala sa pag huhugas ng pinggan na pinag hapunan namin ay nasabi ko na kay inay na ako'y payag na sumama sakanya, ng oras din yon ako sinabihan ni inay kung kailan luwas namin.

Abala si inay sa pag hahanda at pag pili ng damit na dadalhin namin, habang ako ay papalapit sa kinaroroonan niya at papunas punas pa ng basang kamay

"Anak kailangan natin lumuwas agad para naman makilala mo lubos ang amo natin, isa pa kasi walang kasama si sir Paul."

Sagot ni ina na abala pa rin sa pag babalot

"Paul po?"

Maang kong tanong

"Ah yung anak ng amo ko, si sir Paul na magiging amo mo rin anak. Umalis ang mga magulang niya at may inasikaso daw sa probinsya nila, e ang nandun lang ay ang drayber kaya walang mag aasikaso dun sa batang yun"

Mahabang paliwanag ni inay
Hindi ko naman siya masisisi, trabaho yun at yun ang pangunahing pinag kukuhanan namin ng ikinabubuhay. Kung ako rin naman ang tatanungin ay talaga namang pag iigihan ko trabaho ko dun dahil sobrang bait ng pinapasukan ni inay.

"Opo nay, naiintindihan ko po"

Sagot ko.

Sandaling tumigil si inay sa pag iimpake at tumingin saken.

"Wag ka mag alala anak, mababait yung mga amo ko, lalo na ang alaga kong si Paul halos magkasing edad lang kayo nun kaya ramdam kong magkakasundo kayo"

Pangiting sabi ni inay. Magkasing edad lang naman pala kami ng Paul, iniisip ko tuloy kung bakit siya naging alagain.
Wala na akong nasabi at napahinga na lang ako ng malalim.

"Alas kwatro tayo aalis kaya mag alarm ka anak"

Pahabol niya pa bago ako pumasok sa aking mumunting silid inihanda ko ang papag na hihigaan.

Habang nakahiga't nakatitig sa kisame ay biglang pumasok sa isip ko ang kaninang pag uusap namin ni Kuya Joseph.

***
"Kuya kasi, Isasama na ako ni inay sa Maynila"

Sabi ko.
Kita ko naman kung pano nag bago ang ekspresyon ng mukha ni kuya mula sa masigla awra hanggang kumunot ang noo nito at nagsalubong ang dalawang kilay.

"An-ano? Pero pano, baket?
"Balak daw ako pag aralin ng amo ng inay kuya"

Sabi ko.
Napayuko lang ako, napipi at naestatwa na yata ako sa puntong iyon, kahit ako man ay nalulungkot.

"Bunso, Sigurado naba yan?"

Paninigurong tanong niya. Liningon ko lang ito at marahang tumango.

Ang higpit ng akbay niya ay unti unting lumuwag hanggang sa inalis na niya ang brasong naka akbay.

"Pati ba naman ikaw bunso iiwan ako?, lahat na lang ng mahal ko iniiwan ako.."

Dama ko ang bigat at lungkot sa mga binitiwan niyang salita. Huli na ng malaman kong umiiyak na pala siya.

Agad akong nataranta at hinaplos ang likuran nito. Dalawang buwan na makalipas ng huli kong nakitang umiyak si kuya at dahil yun sa pagkawala ng Mama Lo niya, at ngayon umiiyak sya dahil kasalanan ko.

"Ano kaba Kuya di naman kita iiwan, Maynila lang iyon, dadalawin kita kung gusto mo. Atsaka may selpon naman kung gusto mo ma--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang siyang tumayo at dali daling tumakbo sabay sakay sa bisekleta niyang dala

Angelo (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon