A20.1

1.6K 44 16
                                    

Araw ng linggo, pasado alas dose ng tanghali, tirik ang araw at kakatapos ko lang magawa lahat ng gawain sa kusina ng mansyon.

Kami lang dalawa ni inay sa mansyon ngayon dahil nagsialisan ang mga amo namin matapos mananghalian

Si inay naman ay pinag pahinga ko muna sa kanyang kwarto. Ewan ko ba, simula nang bangungutin ako nung gabing iyon ay tila mas naging atentibo ako kay inay kahit isang linggo na't mahigit ang nakalipas, praning na kung praning.

Naisipan kong pumunta sa hardin bitbit ang ilang libro para mag basa ng mga tinuro saamin sa mga nakalipas na linggo.

Malilim at mahangin sa hardin, presko at sakto lang para sa maalinsangang panahon ngayon. Sabayan pa ng mababangong amoy ng mga bulaklak na nasa likod lang kung san ako nakaupo ngayon.

Sinimulan ko na nga ang pag babasa.

Lumipas ang kalahating oras ay hindi ko maiwasan ang wag antukin dala ng preskong hanging dumadampi saking mukha at balat na tila pinipilit isara ang dalwa kong mata.

"Ahhhhgh"
Hikab ko lang sabay taas ng dalawa kong braso at nag unat unat.

Maya maya pa sa kalagitnaan ng aking pag babasa ay biglang may nag doorbell .

"Sa pag kakaalam ko ay dala ng mga amo namin ang kanya kaniyang mga sasakyan kaya kung darating man ang isa sa kanila ay inaasahan kong busina ng kotse ang maririnig ko.. Hindi alingawngaw ng doorbell"
Bulong ng isip ko

Agad naman ako tumayo saking pagkakaupo at agad tinungo ang gate ng mansyon.

Agad ko lang sinilip ang ibabang parte ng gate at wala akong nakikitang gulong ng kotse.

"Panigurado akong hindi ito amo namin. Sino kaya to?"
Bulong ko lang saking sarili

Bago ko buksan ang maliit na pinto ng gate ay sinilip ko muna sa butas kung sino ang taong iyon ngunit wala akong nakitang taong nakatayo sa harap nito kaya agad ko na lang binuksan ang gate.

Pagdungaw ko sa labas ay nakita ko ang isang lalaking nakatalikod, naka sakay sa kanyang motor na tila paalis na.

Agad ko siyang nakilala at hindi ko inaasahang pupunta siya dito kaya agad ko lang siya tinawag.

"Kuya!"

Agad naman siya napalingon.
Sa di malamang dahilan ay nag titigan kami at tila na estatwa lang ng ilang segundo bago siya bumaba ng kanyang motor.

Lumakad siya papalapit at sa di malamang dahilan ay biglang bumilis tibok ng puso ko.

"Bunso..."
Tawag niya matapos siya makalapit saakin.

"Kuya, na-napadalaw ka?.."
Sabi ko habang nakangiti.

Aaminin ko. Sobrang na miss ko na ang taong to.
Kahit pa ano ang mga nagawa niya sakin ay dati ay di ko parin maiwasang di siya alalahanin.

(Author:Marupok si Angelo ano po? Lol)

"Ahhm. Eh-Ano kasi.."
Putol putol niyang sabi.

Pansin ko ang tagaktak niyang pawis. Nakalimutan kong nakabilad pala kami sa araw.

"Ay Kuya pasensiya na.. Pawis na pawis kana.. Tara sa loob. Pasok ka."
Bigla kong aya.

Kita ko naman na napangiti siya at napatango lang sa alok ko.

Tumuloy kami sa bahay, sa kwarto ko at dun kami naupo.

Ang kaninang ngiti niya sa kanyang labi ay wala na napalitan na ng seryosong mukha.
Tila malalim ang iniisip niya.

"May problema kaya siya?"
Bulong ng isip ko.

"Gusto mo ba ng tubig kuya?"
Biglang alok ko na at tango naman ang sagot niya.

Angelo (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon