A19

1.9K 50 29
                                    

Tik! tok!  tik!  tok!

Lunch break.
Nakakantok ang tunog ng orasan, parang bang nag sasabing ipikit ko muna ang dalwa kong mata na ngayo'y titig na titig sa walang humpay na ikot ng malaking ceiling fan.

Kasalukuyan kaming nakatambay dito sa libraby ng unibersidad, kasama ko si Nica. Sino pa nga ba.

Mali. Hindi pala kami tumatambay, andito kami para mag review dahil sasabak kami sa una naming pag susulit sa asignatura na Siyensiya. Sa totoo lang e nag aral na ako kagabi pa, nagsabi lang talaga ako kay Janica na sabay kami mag aaral dito sa library.

"Pshhhh.... Gelohhhh"
Pabulong na sabi ni Janica kaya tiningnan ko lang siya.

"hanoo yhaang ghinaghawahh mohhh?"
Pabulong niyang sabi na ikinanuot naman ng noo ko.

"Lutaaang ka na namaan. Mhaag aral khaaa"
Sabi niya pa habang pinandidilatan ako ng mata.

"Ahh. Sorry.. Sige. Eto na. Mag aaral na."
Sagot ko.

Ewan ko ba. Di ko alam kung bakit pero kanina pa talaga ako parang wala sa wisyo..
Maganda naman gising ko. Hindi naman ako pagod.at mas lalong hindi naman ako puyat.

Ayoko man sabihin pero kasalanan mo to sir Paul eh.
Bakit kailangan mo yun gawin?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang ginawa kanina  ni sir Paul sa loob ng kotse.

Di ko alam kung bakit pero satwing na naaalala ang mukha niya at kung gano ito kalapit sa mukha ko ay bigla biglang bumibilis ang tibok ng dibdib ko.
Para akong nauubusan ng hangin at nag iinit bigla ang dalwa kong maliliit na tenga.

"Argghhh! Pokus Angelo! POKUS!"
Sigaw ng utak ko.


"Alam mo Angelo, babatukan na talaga kita ahh"
Si Janica.

Natapos ang klase at ngayon nga'y palabas na kami ng campus.
Awa ng diyos naraos namin ang pinaghandaan naming pagsusulit kanina.

"Muntikan mo na di mapasa yung papel mo kanina Angelo sa sobrang lutang mo."
Si Janica pa rin.

Nilingon ko lang siya saglit.
Tapos ilang saglit na katahimikan.

"Ano bang meron. Ha?"
Tanong niya.

Di naman ako nakasagot agad.

"Wag moko kakausapin ah!"
Banta ni Janica sabay lakad ng mabilis.

"Oy, saglit."
Sabi ko habang habol siya.

Nakarating kami sa kalapit na waiting shed at dun din siya huminto sa pag lakad.

"Saglit lang Niks."
Sabi ko.

"Ano? Sasabihin mo o sasabihin mo"
Sabi niya habang nakataas ang kilay.

"Ano kasi.. Ganito yan."
Paunang sabi ko.

"Sige.. Itatanong ko na lang... Kasi..
May kakaiba akong nararamdaman e."
Dugtong ko, kita ko naman ang mukha niya na parang nag aantay ng susunod kong sasabihin.

"Ganto kasi yun.. Alam mo ba ang pakiramdam na bigla bigla na lang bumibilis ang tibok ng dibdib mo?"

"Yung.. pag may naaalala kang isang tao yun yung laging nararamdaman mo.. Tapos."

"Tapos.. Bigla bigla kana lang matutulala pag naiisip mo siya."
Sabi ko.

Kita ko naman ang mukha niyang parang ewan ang reaksyon. Nakangiti lang na parang may pinaplanong kalokohan.

"Hayss. Angelo.. Napaka inosente mo.."
Sabi niya habang nakangiti pa rin.

"Bakit?"
Tanong ko.

Angelo (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon