A20.2

1.5K 61 19
                                    

"Mahal kita bunso, higit pa sa kapatid"
Pag ulit niya.

Tila nabingi yata ako sa sinasabi niya.

Wala akong ibang nagawa kundi ang mapalunok ng laway.

Naging bato na ata ako at di na makagalaw.

Nanlalamig ang kamay ko at tila kinakabahan. Anlakas talaga ng kabog ng dibdib ko at tila yun lang ang aking naririnig sa puntong iyon.

Katahimikan..

Ako'y napayuko na lamang dahil di ko alam kung ano ba dapat isasagot sakanya.

Kailangan ko ba siya sagutin.
Nakakalito naman.

"Hindi ako bading bunso.. Pero gusto kita. Matagal ko to pinagisipan. Alam ko sa sarili ko na di ako nalilito. Alam kong gusto kita."
Sabi niya pero wala pa rin ako masagot.

"Nung umalis ka sa probinsya natin, akala ko ay sobra lang akong nangungulila sayo...
Hindi ako makatulog sa gabi ng hindi ka man lang nakakausap sa telepono.."
Si kuya.

"Lagi kitang iniisip. Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung may nag aalaga ba sayo.. Sa bunso ko.."

Rinig ko na ang mahina niyang hikbi, tanda na umiiyak siya. Agad lang ako tumingala sa pag kakayuko at agad ko siyang tiningnan..

Dumadaloy ang luha ng kuya ko mula sa kanyang mga mata.
Agad akong nakaramdam ng lungkot.

Alam kong matapang na tao ang kuya at bihira ko siya makitang umiyak.

"Aaminin ko bunso.. Hindi nawala ang telepono ko, sadya ko siyang binenta para magamit sa pag aaral, nangailangan ako ng pera bunso at wala akong ibang maisip na paraan. Patawad kung hindi man lang kita nun nasabihan."

"Grabeng lungkot ko nun dahil di na kita nakakausap gabi gabi... Nagaalala rin ako kung ano ang iniisip mo tungkol sakin sa biglaang di ko pag paramdam.. Patawad bunso.."

Sabi ni kuya habang pinapahid ang kanyang luha gamit ang palad.
Ako naman ay nanatiling tahimik at pilit iniintindi ang mga sinasabi niya.

"Hanggang dumating bunso ang isang araw na di ko inaakala.. Binalikan ako ng mga magulang ko. Nag desisyon silang isama na ako sakanila. Dapat ay masaya ako nun pero bunso di pa rin nawala ang pangungulila ko sayo, lagi kitang naalala minu minuto. Dagdagan pa ng lungkot dahil naiwan ko ang ate sa probinsya.."
Sabi ni kuya na di pa rin natigil sa pag iyak.

Sa puntong yun ay parang gusto ko siya yakapin mahigpit. Gusto ko na rin maiyak dahil damang dama ko kung gano siya kalungkot habang nag kukwento.

"Bunso.. Ansaya ko nung muli tayo magkita. Sa totoo lang ay pinaplano ko pa lang talaga na puntahan ka sa adres na binigay mo saakin, pero di ko inaasahan na ikaw pa mismo ang mag papakita nung mga oras na yon"

"At nung oras ding yun. Dun na ako nag simula tanungin ang sarili ko, tanungin kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sayo bunso. Dun ko na kumpirma na hindi na lang basta kapatid ang tingin ko sayo. Kaya, kahit masakit bunso, pilit kong nilimot ang nararamdaman ko para sayo kasi alam kong mali, alam kong di tama kung hahayaan kong umusbong tong nararamdaman ko..."

"Sorry bunso.."
Sabi niya habang panay pa rin ang hikbi

"Patawarin moko bunso kung iniwasan kita. Patawarin moko kung nakayang kitang tiisin. Patawad bunso."
Hagulgol niya.

Hindi ko na rin nakaya at isa isa ng tumulo ang luha saking mga mata.

Hinawakan ko lang mga kamay niya at pilit tiningnan siya, mata sa mata.

Isang ngiti ang aking binitiwan, humigpit naman ang hawak niya saking kamay habang may luhang tumutulo pa rin sakanyang mga mata.

"Matagal na kita napatawad kuya."
Sabi ko

Angelo (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon