Mabilis na tumakbo ang panahon at ilang buwan na nga ang lumipas.
"Matapos ng gabing iyon ay ramdam ko na may nag bago."
"Nag bago bigla si sir Paul.
Di na siya pala imik. Kinakausap niya ang ibang tao sa loob ng mansyon pwera sakin.""Ramdam ko ang pag iwas niya saakin.
Simula din nun ay lagi na siyang nauuna pumasok sa eskwelahan at ako naman ay nasanay na mag commute.""Sa mansyon naman ay lagi lang siyang nakakulong sa kwarto kasama ang aso niya, o kaya naman ay lalabas na lang ng walang paalam."
"Alam kong may mali, halata naman. Pero di ko alam kung sakanya ba o saken? Ni hindi niya ako matingnan sa mata."
"Minsan napapraning na rin ako kakaisip kung ano bang ginawa ko bago ang gabing iyon para iwasan at di niya kausapin ngayon."
"Gusto ko mag tanong pero wala yata akong karapatan, house boy lang ako amo ko siya, kaya kung may problema o may napansin siyang mali saakin hindi ba dapat siya na unang nag sasabi para sana maayos ko? Hindi ba't ganun yun.. Ewan ko lang."
"Nakakailang magtrabo pag ganto. Di mo alam kung saan ka lulugar.
Kaya minsan ay hinahayaan ko na lang kaya nasasanay na lang ako makirandam. Kahit mahirap."Mahaba kong kwento kay Janica.
Napakwento na ako ng wala sa oras, napaka kulit kasi.
Nakatambay lang kami sa dati kong tambayan sa lilim ng isang malaking puno.
"Hmmmm"
Si Nica."So, ayun pala ang dahilan kung ba't ka lutang lately?"
Tanong niya."Ahhhhhhhghh"
Hikab ko.."Uhmm siguro, yun nga"
Sagot ko sakanya."Anong yun na nga?"
Sabi niya kaya nilingon ko lang siya.Kita kong naniningkit na naman ang mga mata niya habang nakatingin saakin.
"hmmm.. May iba pa noh..?"
Siya.Agad ko lang binawi ang tiningin ko sakanya sabay kunot ng noo ko at napaisip.
"Oo may iba pa."
Sa isip ko lang."Si kuya Joseph."
Sigaw ng utak ko.Simula nang aminin niya saakin ang tungkol sa nararamdaman niya ay napapadalas na ang pag hatid niya saakin pauwi ng mansyon pag tapos ng klase. Lagi na rin siya nag aaya lumabas pag walang klase at kung libre ako.
Nung isang araw ay sumama ako sakanya mag mall at bigla niya sinabi na gusto niya daw ako ligawan ng pormal. Natameme naman ako sa sinabi niyang yun.
Tinanong ko kung seryoso ba talaga siya at agad niya naman itong sinagot ng oo.
Nararamdaman kong sobrang saya ngayon ni kuya Joseph at ganun din naman ako.
Pero di ko pa rin maiwasan ang mapaisip, naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon.
Sabi ko kay kuya na pag iisipan ko yang pag ligaw niya sakin. Medyo nakakaloko kasi di naman ako babae at tsaka isa pang iniisip ko ay di ito alam ni inay...
Ito yata ang unang pag kakataon na nag lilihim na ako sa aking ina..
Isa pa pala yan..
Pano kung malaman ni inay na may gusto sakin si kuya..At pano kung di niya to magustuhan...
Ang dami dami ko na namang iniisip.
"Hayyysss"
Buntong hininga ko.
BINABASA MO ANG
Angelo (Bromance)
RomansaThis is a Bromance story . If you are Homophobic feel free to step back.