Ako si Angelo Buenaflor, labing anim na taong gulang na, graduate na ng hayskul.
Simpleng binatilyo lang naman ako, hindi panget hindi rin naman gwapo, medyo may kaputian pero sakto lang.
Pero hindi katulad ng ibang binatilyo. Wala akong buong pamilyang maituturing.
Anak ako ng inay sa pag kadalaga, Sabi ni inay wala akong tatay dahil hindi siya pinanagutan nito. Hindi ko naman na inalam ang katauhan ng tatay ko, para san pa.
Habang ako raw ay nasa sinapupunan, matinding hirap ang naranasan ng inay, pati pala mga magulang niya o lolo't lola ko ay hindi tanggap ang pag bubuntis nito saakin at pinipilit pa siyang ipalaglag ako, Saklap.
Kaya napag desisyunan ni ina na lumayas sa kanila at mamuhay mag isa dahilan para di sya makatapos ng kolehiyo. Awa ng diyos ay isinilang akong buhay sa tulong ng matalik na kaibigan ni inay na siyang tumulong daw sakanya habang pinagbubutis niya ako
Bata pa lang ako ay kita ko at intindi ko na kung gano kahirap ang buhay, kita ko kung paano kumayod sa trabaho ang aking ina para lang mataguyod ang aking pag aaral, kaya naman pati ako ay tumutulong sa kanya sa pag hahanap buhay.
Isang kahid, isang tuka. Ganyan ko mailalarawan ang buhay naming magina, umaasa lang kami noon sa kita niya sa pag lalabada at minsan kung suswertehen ay may mag papalinis ng kuko. Kaming dalawa lang ni inay magkasama at magka tuwang sa buhay, kuntento na ako sa gantong klaseng pamumuhay basta't kasama ko si inay.
"Mag aral kang mabuti"
Laging sabi ni inay saken bagay na Hindi ko naman kinakalimutan. Isa akong honor student elementarya hanggang hayskul, pinag iigihan ko talaga and pag aaral para makaahon kami sa hirap.
Ako ngayo'y mag isang nakatira sa inuupaahan naming bahay ni nanay.
Simula kasi ng magkaisip at mag kamuang first year hayskul ako non ng napag desisyunan ni inay na lumuwas sa Maynila at dun mamasukan, kinuha kasi siya ng isa sa mga matalik niyang kaibigan nung kolehiyo na maging kasambahay, nahihiya man ay wala na siyang ibang pag pipilian kundi ang tanggapin ang alok ng kaibigan gipit din kasi kami non.
Naalala ko pa halos ayaw kong kumalas kay inay nung araw na umalis siya, balde baldeng luha yata ang nailabas ng mata ko nun.
Pero ganun talaga kung hindi kami mag titis baka mamatay kaming dilat ang mata.Kaya ibinilin niya na lang ako sa mabait naming kapit bahay na may ari ng inuupahan naming bahay na si Manang Lora na kamamatay lang nung isang buwan dahil siguro sa katandaan, sumalangit nawa.
Kaya ako'y natutong mamuhay mag isa, kahit dati nandyan si Manang Lora para umalalay.
Tatlo o apat na beses lang kung umuwi si inay sa loob ng isang taon, patext txt o kaya naman sa tawag lang kami nag uusap pag regular na araw.
Siguro'y sapat na yan para malaman niyo kung sino at anong klase akong tao.
Madaling araw na at nandito ako ngayon sa terminal nakaupo sa isang bakal na upuan, nag aantay habang humihikab.
Nakatanggap kasi ako ng text kahapon mula sa aking ina na uuwi siya.Abala ang aking mata sa pag mamasid sa mga taong palakad lakad lang sa aking harapan, ang iba ay nag yayakapan dahil siguro mawawalay ang kanilang mga mahal sa buhay, may ibang nagtinda ng pasalubong at kung ano ano at ang iba naman ay labis ang ngiti matapos salubungin ang mga pasaherong kakababa lang ng bus.
4:37am
Ang oras matapos tingalain ang malaking digital clock na nakasabit sa gitnang taas malapit sa bubong ng terminal.
Mahigit isa't kalahating oras na pala ako nag aantay. Napahinga na lang ako ng malalim
BINABASA MO ANG
Angelo (Bromance)
RomanceThis is a Bromance story . If you are Homophobic feel free to step back.