Pang sampung beses ko na yatang tinatawagan si Kuya Joseph pero ring lang ng ring at hindi siya nasagot."Hayssst. Kuya Joseph, ano bang ginagawa mo?!"
Bulong ko habang di mapakali sa loob ng kwarto.Alam kong nakainom ang kuya, ganun na ganun siya mag salita pag lasing siya, dalawang beses ko pa lang siyang nakita at narinig na lasing nung nasa probinsiya pa kami. Lambanog ang tawag dun sa inumin sa probinsya namin. (sino may alam nun?)
Naalala ko dati nung naimbitahan kami sa isang pistahan ay kasama ko si kuya nun, bandang hapon nun at malapit na mag gabi, habang pauwi na ay nadaanan namin ang bahay ng isa naming kaklase sa hayskul at tsempo naman na nakita niya kami ni kuya Joseph kaya inanyayahan niya kami sa loob ng bahay nila mag videoke.
Ang akala naming videoke lang ay nauwi sa inuman. Hindi talaga ako marunong uminom ng alak o lambanog pero dahil napilitan ako nun ay napasubo na ako sa pag inom. Halos isuka ko lahat ng kinain ko sa pistahan dahil sa pait ng inumin, hindi ko rin gusto ang init na gumuguhit sa lalamunan pababa saking sikmura, para bang lulusawin na ang lalamunan ko nung mga oras na yun. Pero buti na lang di ako pinabayaan ni Kuya, matapos ang ilang shots ay nag paalam na rin kami ng Kuya.
Ilang minuto akong nag isip kung anong gagawin.
Gusto ko puntahan si kuya pero di ko alam kung pano, atsaka di ko alam kung na saan siya.Lumalakas kabog ng dibdib ko, umaandar na naman ang pagka praning ko. Pano kung may nangyari ng masama kay kuya. Pano ko kung may mga nantrip sakanya, o baka naholdap na siya.
"Naku, wag na man sana."
Bulong ko.Naputol ang pag iisip ko ng nakaraan nang biglang tumunog ang aking telepono. Agad ko tong kinuha at sinagot ng mabilisan ang tawag, hiniling na sana si kuya to.
Pero mali ako.
sir Paul? Bakit kaya siya tumatawag."Hello Gelo?"
Sabi sa kabilang linya."oh sir Paul, bakit po?"
Sagot ko"Nagising ba kita?"
Si sir"ahh hindi po.."
Sagot ko"sa totoo nga po, hindi po ako makatulog e.."
Dugtong ko"Oh? Bakit naman?"
Tanong niya "Bigla ko naisip. Kailangan ko ba talagang sabihin kay sir Paul ang dahilan, hindi naman niya ka anu ano si kuya Joseph kaya sigurado ako na wala siyang pakialam kung ano man ang iniisip ko.
Pero bigla ko naisip, pano kung matutulungan niya pala ako. Matutulungan na hanapin kung saang lupalop uminom si kuya Joseph.
Tapos bigla namang sumingit ang boses sa isip ko na nag sasabing mahiya ako sakanya dahil amo ko siya at hindi basta basta lang na kaibigan.
Tama. Tama ang isip ko.
"Hello, Gelo.. Are you still there? Okay ka lang?"
Tawag sakin sa kabilang linya."Ahh. O-opo sir, andito pa hehe pasensiya na po. O-okay ako sir wala yun.. Siya nga pala sir napatawag ka? May iuutos ka po ba?"
Pag iiba ko ng usapan."Ah.. Wala.. Wala naman akong iuutos. Hindi pa kasi ako inaantok e. Gusto mo usap muna tayo Gelo, pampaantok lang."
Sabi niya."ahh. Oh sige po sir. Dun ho ba tayo sa hardin mag uusap?"
Tugon ko."Ah no Gelo. I mean no need, Dito na lang tayo mag usap sa telepono."
Sabi niya."huh? Seryoso kaba sir Paul?"
Sabi ko sa isip ko lang."Ohh.. Eh sige sir.. Ano ho bang pag uusapan natin."
Sagot ko."uhmm. Hindi naman ganun ka importante Gelo. Kahit anu ano lang.."
Sagot niya.
BINABASA MO ANG
Angelo (Bromance)
RomantiekThis is a Bromance story . If you are Homophobic feel free to step back.