A12

2.2K 55 0
                                    


Lubdub.lubdub.lubdub.

Lubdub.lubdub.lubdub...

Kabog ng dibdib ko na pagkalakas lakas. Dama ko ang init niya at higpit ng kapit ng kanyang braso saking katawan. Totoo ba to? Niyayakap ako ni sir Paul?

Hindi ko alam kung ano ba dapat gawin. Gaganti ba ako ng yakap o ano?
Naalala ko si Kuya Joseph ko. Lagi niya rin ako niyayakap.

At sa puntong ito, ngayon na lang nga ako nayakap ng isang tao, at si sir Paul pa.

Hindi ko alam kung bakit, pero iba ang pakiramdam ko sa yakap ni sir Paul. Eto na naman ang pakiramdam na may parang kumikiliti sayong dibdib.

Hindi ko rin alam kung bakit ko nagugustohan ang gantong pakiramdam.

Hindi kaya..?

Ahh imposible. Kung anu ano ang iniisip mo Angelo. Sigaw ko sa isip ko.

Halos mag dadalawang minuto nang nakayakap si sir Paul saken ng bigla akong makarinig ng singhot.

Umiiyak si sir?

Agad akong naalarma kaya eto pa, hindi ko talaga alam kung bakit, pero dahan dahan kong inilapat ang dalawa kong braso sa likod niya at gumanti ng yakap.

Ilang segundo pa nga ay kumalas na siya sa pag kakayakap kita ko ang basa basa niya pang mata pero agad niya itong pinahid ng kanyang kamay.

"Pasensiya na po sir Paul kung may nagawa o nasabi man akong mali kanina sa Mall, hindi ko po sinasadya."

Iniisip kong ako may kasalan kaya biglang sumama ang timpla niya kanina.

"Don't apologize Gelo. You didn't do or say anything wrong. Ako nga dapat mag pasensiya sayo kasi iniisip mo pa tuloy ng may ginawa kang masama na ikakagalit ko, kahit wala naman talaga."

Sabi niya.

"Okay ka lang Paul?"
Sagot ko.

Agad naman niyang inilabas ang ngiting kanina ko pa hinahanap, sabay tango pa.

"Okay na okay na ako"
Sagot niya.

Ako naman ay napangiti rin sa sagot niya.

Pagbalik ko saking kwarto ay tuloy ang aking pag iisip kung ano ba talaga ang dahilan kung bat biglang nag kaganun si sir Paul. Ansaya saya pa lang namin tapos biglang nagbago.

O baka ganun naman talaga siguro, may mga bagay na "okay" na binabago pa.

Naalala ko nakita namin ni Kobi sa mall.
Tama! Sigaw ng utak ko.
Nag iba ang reaksyon ni sir Paul matapos ko ituro sakanya si Kobi. Siya ba ang dahilan? Kung bat nagkaganun si sir Paul? Akala ko ba magkaibigan sila? Nag aaway sila?

Umaga araw ng Biyernes, habang ako ay abala sa pag lilinis ng swimming pool, si inay naman ay nag luluto ng pananghalian, nangangawit na ang aking braso dahil kanina ko pa inaalis ang mga maliliit na dahon na nahuhulog sa tubig ng pool.

Maya maya pa ay biglang tumunog ang doorbell kaya dali dali kong binitiwan ang bitbit kong panlinis at tumakbo papuntang gate.

Napaisip ako bigla. Wala naman kasi kaming inaasahang bisita, walang ibinilin si tita Diana. Imposible namang si sir Paul kasi kanina pa siya umalis at wala ring ibinilin.

Bago ko buksan ang gate ay sinilip ko muna kung sino ang tao sa labas.

Namukhaan ko kaagad kung sino ito. Si Kobi, agad ko lang binukasan ang gate para malaman ang pakay niya.

"Ano po yun sir?"
Magalang kong bati.

"Ah. Si Paul? Andyan?"
Sagot niya. Di ko alam kumg bakit pero iba ang tono ng pag sasalita niya ngayon, Galit na parang irita. Hindi tulad ng huli kong pagkausap sakanya.

Angelo (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon