CHAPTER TWO:
(a/n: Kuya Ivan's picture at the multimedia box.)
September 20, 20**, Tuesday
Jugs' POV
Magriring na ang bell pero wala pa rin si Jacee. Hinihintay ko siya ngayon sa may guard house kasi aalalayan ko siya pumasok. Alam ko kaya niya sarili niya pero shempre nagaalala pa rin ako sakanya. Malamang best friend ko eh. Biruin mo, buong buhay namin eh magkakilala na kami kaya alam na naming ang gusto at di gusto ng kada isa. Tatawagan ko na sana siya nang biglang may tumapik saakin.
"Hoy."
"Yo Kuya Ivan. Bakit?"
"Bakit nandito ka pa? Malapit na mag ring bell niyo."
"Eh ikaw bat nandito ka pa? Diba dun sa kabila ang gate niyo?"
Iisa lang kasi kami ng school nila Kuya Ivan. Mas matanda siya saamin ng tatlong taon bale 3rd year college na siya. Dito din sa Shinhwa University. Malayo layo din ang building nila dito sa building namin eh.
"Ah dadaan muna sana kasi ako ng classroom niyo kasi may ibabalita ako sayo."
"A for effort. Pwede namang itext ako."
"Pakyu wag ka na ngang umangal."
"O ano yung babalita mo? Nakabuntis ka?"
"Gago! Hindi yun!"
"Hahahaha nagbibiro lang ako! Anong sasabihin mo?"
"Na-confine si Jacee."
"Weh?! Di nga?!"
"Tss mukha ba kong nagbibiro? Kung nagbibiro sana ako eh itetext lang kita. Pinuntahan pa kita dito kaya mukha pa ba akong nagbibiro?"
"Oo na oo na. Bakit siya naconfine? Anyare? Saang hospital? Anong room number?"
"Isa isa lang naman! Mahina ang kalaban! Nakita ko siya kagabi buhat buhat ng kuya niya palabas ng gate. At bago ako pumunta dito, dinaanan ko siya sa hospital. Sabi ko nga babalik lang ako mamayang 12 kasi vacant ko naman at ako na magdadala ng lunch niya. Yung sprain niya sa paa nagswell daw. Dun sa hospital nila. Sa VIP room. East wing."
Lalabas na sana ako ng gate para puntahan si Jacee nang biglang hinila ni Kuya Ivan yung bag ko.
BINABASA MO ANG
Best Friends or Best Lovers (REVISED)
Teen FictionA best friend is a person who you love and value above other friends in your life. What if you fell in love with your best friend? Is friendship worth risking in exchange for love?