Chapter 3

1.5K 21 10
                                    

CHAPTER THREE:

(a/n: Jacee and Ella's picture at the multimedia box.)


- September 26, 20**, Monday -

Ella's POV

It's almost time pero wala pa din si Jugs. Sabi niya maaga daw siya papasok ngayon. Kahit si Jacee wala pa rin. Di naman kasi nila alam na naconfine si Jacee. Absent din yun si Jugs simula tuesday ng hapon eh. Sinamahan ata si Jacee sa hospital ng tatlong araw pero nung wednesday daw ng gabi nadischarged si Jacee. Dapat pumasok na si Jugs nung thursday at friday. Nakakalimutan niya na ata ah. Puro na lang siya Jacee. Sabagay, best friend niya naman yun. Masisisi ko ba sila? Oh eto na pala si Jacee at Jugs eh. Okay na rin naman si Jacee bat nakaalalay pa rin si Jugs sakanya. Hay ewan napaparanoid na naman ako. Ngumiti na lang ako at sinalubong ko na yung dalawa.

"Jacee!"

"Ella!"

Sinalubong ko naman ng yakap si Jacee. Wala naman akong hard feelings kay Jacee. Sadyang, di ko lang maiwasan na magselos. Kasi ako lang naman yung nililigawan.

"Kamusta ka na? Okay ka na ba?"

"Oo naman hahahaha ako pa ba. Asan ang barkada?"

"Nasa classroom hinihintay na kayo ni Jugs."

"Hi Ella."

"Hey Jugs."

Niyakap ko naman si Jugs at bumulong ako sakanya.

"Usap tayo mamaya."

"Sige."

Bumitaw na ako at nginitian si Jacee.

"Ano? Tara na sa classroom?"

"Tara!" –Jacee

Magkahawak kamay kami ni Jacee naglakad papuntang classroom habang nakasunod saamin sa likod si Jugs. We really need to talk later.

Jacee's POV

- RECESS -

Nasa cafeteria kami habang nagtatawanan ang buong barkada at kasama namin si Kuya Ivan. Kumpleto nga kami eh. Ako, Neo, Ella, Jasmine, Tati, Pollly, Sheryl, Jugs, Kuya Ivan, Rain, Xian, Jason, Marky, Carlos at Marlon.

"Jacee! Buti naman at pumasok ka na!" –Tati

"Yeah namiss ka namin Jacee!" –Jasmine

"Oo nga baks nakakamiss din ang machine gun mong bunganga!" –Neo

"Hahahaha oo na! Namiss ko din kayo noh---"

*phone rings~*

"Guys may tumatawag. Wait lang ah."

Tumayo na ako ng upuan ko nang bigla akong hawakan ni Jugs sa balikat.

"Gusto mo samahan na kita?" –Jugs

"Nah. Okay lang hehe babalik lang ako."

"Oo nga Jugs saglit lang naman yan si Jacee eh." –Ella

"Yes saglit lang to. Excuse me."

Sinagot ko yung tawag at pumunta ng girl's CR.

"Hello?"

"Jacee."

Si Jan lang pala. Well, Jan is my suitor. Buti naman at naisipan tumawag ng isang to. Nakalimutan na ata na may nililigawan siya. Di na nga ako binisita sa hospital eh tss.

"Oh Jan? Bat ka napatawag?"

"Uhhh Jacee."

"Ano yun?

"I don't wanna court you anymore."

Ha? Ano raw? Naglinis naman ako ng tenga ko pero iba ata narinig ko eh.

"Ano? Di kita naiintindihan. Anong don't wanna court you ang pinagsasabi mo diyan?"

"I said I don't wanna court you anymore."

"W-what? Teka pag usapan natin to sa personal. Puntahan kita diyan mamaya sa school niyo---"

"Sabi ko tapos na ko sayo! Di mo ba naiintindihan yun? Ayoko na..."

"What the hell Jan? Ni di mo nga ako binista nung naconfine ako eh! Tapos eto ang ibubungad mo? Tell me right in front of my face kung bakit ka nagkakaganyan hindi yung dito mo sa phone call sasabihin yan! That's so unmanly of you!"

"Ayoko na nga eh! Wala na akong nararamdaman para sayo! Mahirap bang intindihin yun?"

"Di ako naniniwala sayo! Ganun na lang ba kadali yun? I was about to say yes but you ruined it! Bahala ka sa buhay mo!"

"Bahala ka din! I'm done with this crap!"

"Damn you! Jerk!"

Binaba ko na yung tawag at nagpunas ng luha. Totoo sinabi ko. Sasagutin ko na dapat siya kasi ilang buwan na din siya nanliligaw at nakitaan ko naman siya ng sincerity sa feelings niya kahit papano pero mukhang di talaga siya sincere. I'm already attached to him and I already like him sabay sasabihin niya saakin na ayaw niya na manligaw? Damn him.

Best Friends or Best Lovers (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon