CHAPTER SEVENTEEN:
Jugs' POV
Halos mag iisang linggo na kami di nagpapansinan ni Jacee dahil sa nangyare. Mali ko din naman kasi unang una, wala akong karapatan magalit. Hindi naman kami. Best friend niya lang ako. Ako tong si tanga na nagkagusto sa best friend ko at di dapat ako magalit sakanya kasi di niya naman ako pinaasa. Pero ang kinasama lang naman talaga ng loob ko eh yung di niya man lang saakin sinabi na kakausapin niya pala si Jan. Ayoko lang na saktan siya ulit ng gagong yun. Gusto ko na siya iapproach at yakapin pero naguguilty pa din ako kasi pinaiyak ko siya at nasaktan ko siya. Babangon na sana ako para pumasok nang tumunog ang phone ko. Tiningnan ko ang phone ko at may tumatawag na unknown number. Sagutin ko na nga lang.
"Hello? Sino to?"
"Hulaan mo."
Ayp wala ako sa mood makipaglaro ng hula hulaan.
"Sirit. Sino nga kasi?"
"Pft bilis mo naman makalimot sa boses ko! Si Ella to."
"Ah hahahaha sorna naman. Bat napatawag ka?"
"Wala lang. Ang boring kasi eh. Si Rain tinawagan ko di sumasagot. Tulog ata."
"Ahhh. Kamusta na pala kayo ni pareng Rain?"
"Ayun dating pa din. Kayo ni Jacee? Kelan niyo balak magbati?"
"Ewan. Di ko din masabi kung kelan."
"Hay nako mokong ka. Makipagbati ka na!"
"Bat ba ang tawag niyo sakin mokong? Kahit si Jacee ang tawag sakin mokong!"
"Mukha ka kasing mokong. Hahahaha!"
"Grabe ka saakin pandak."
"Maka pandak! Tumangkad ka lang oy! Pandak ka din kaya noon!"
"Lul at least tumangkad na ko ngayon!"
"Oo na lang. Nga pala Jugs, anong plano sa birthday ni Jacee? Debut niya na diba?"
"Ay shit oo nga pala magbibirthday na si Jacee!"
"Yan away pa more."
"Di ko naman ginusto yung nangyare eh."
"Kahit na. Kung may gusto ka sakanya pero si Jan ang gusto niya, wala ka ng magagawa dun."
BINABASA MO ANG
Best Friends or Best Lovers (REVISED)
Teen FictionA best friend is a person who you love and value above other friends in your life. What if you fell in love with your best friend? Is friendship worth risking in exchange for love?