LAST CHAPTER:
(a/n: Play the video at the multimedia box.)
Jacee's POV
Nasa airport na ako habang naghihintay ng flight ko. 2pm pa naman flight ko pero okay na yun na maaga ako kesa mahuli. Nagsosoundtrip lang ako habang naghihintay sa flight ko. Bigla naman nagplay ang Best Friend by Jason Chen sa playlist ko kaya nagflashback saakin lahat na alaala namin ni Jugs mula pagkabata hanggang ngayon. Simula dun sa paglaro namin ng kasal kasalan kesyo ako daw bride niya at siya naman groom ko. Pati na din yung mga pangaasar saakin ng mokong na yun at lahat na pag aalagang ginawa niya para saakin. Lahat ng panenermon, lahat ng pag aalala, lahat ng pagpapasaya hanggang sa pag amin niya saakin ng nararamdaman niya. Nung una di ako makapaniwala kasi shempre best friend ko siya eh. Pano siya maiinlove sa best friend niya na kasama niya na buong buhay niya? At ako naman tong in denial. Matagal ko na pala siyang mahal pero in denial ako kasi tinatak ko sa isipan ko na best friend ko siya at bawal ako mainlove sakanya. Dagdag mo na din si Jan kasi nanliligaw siya saakin noon at totoo naman na si Jan talaga gusto ko noon bago siya magloko. Pero narealize ko nung prom na di ko pala kaya na walang mokong na nambwibwiset saakin araw araw. Di ko pala kaya na di makita o marinig ang boses ng mokong na yun. Di ko pala kaya na wala si Jugs, ang best friend ko.
"Princess andito na ang barkada mo."
Natigil ako sa pagmumuni muni pagsabi nun ni Kuya Jay at binulsa na ang earphones ko.
"WAAAAAA BAKS MAMIMISS KITA!"
"BAKS ANG GAAN MO PRAMIS!"
Tumayo na ako at hinimas himas ang pwet ko. Sunggaban daw ba ako?! Feeling niya naman magian siya psh.
"JACEE NAMAN EH! MAMIMISS TALAGA KITA! WAG MO AKONG KALIMUTAN HA?"
"Shempre! Di kita makakalimutan lalo na yang sermon mo at pangagaral mo saakin! Pagbalik ko dapat lalake ka na ah---"
"Anong maging lalake ka diyan! Over my dead body! Forever dyosa akez!"
"Hahahaha joke lang. Halika nga!"
Niyakap ko si Neo ng mahigpit! Mamimiss ko tong baklang to!
"Hep hep hep! Mauubos ang oras! Kami naman!" -Ella
"Waaaaaa! Girls! Mamimiss ko kayo!"
Nagsilapitan sila Ella saakin at nag group hug kaming girls.
BINABASA MO ANG
Best Friends or Best Lovers (REVISED)
Teen FictionA best friend is a person who you love and value above other friends in your life. What if you fell in love with your best friend? Is friendship worth risking in exchange for love?