Chapter 6

1.2K 14 8
                                    


CHAPTER SIX:


Jugs' POV


October 8, 20**, Saturday


Ang gago talaga ni Jan. Siya pa talaga may gana umayaw ah? Alam kong di basta basta aayaw si Jan kay Jacee kasi nung una, pursigidong pursigido siya kay Jacee at saksi kami lahat dun. May kaibigan ako sa Shinhan at kaklase siya ni Jan kaya malalaman ko kung anong ginagawa ni Jan sa Shinhan. Tinawagan ko si Allen at pagkatapos ng ilang ring, sumagot ito.


(a/n: Allen's picture below.)


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Allen."


"Jugs. Napatawag ka?"


"May tatanong sana ako sayo. Alam mo na. Anong balita?"


"Ah yun pala. Si Jan may kalandian sa school namin."


"Sinasabi na nga ba. Sino?"


"Kaklase namin siya ni Jan. Kahapon ko pa sana sasabihin sayo kaso may tinapos akong project eh."


"Ayos lang. Alam ba nung babae na may nililigawan si Jan habang magkalandian sila?"


"Mukhang hindi eh. Mabait naman yun. Imposible na alam niya."


"Gago talaga siya. Sabi niya ayaw niya na daw kay Jacee kasi wala na daw siyang nararamdaman kay Jacee. Yun pala kasi may iba ng nilalandi at pinagkakaabalahan! Sarap suntukin ng gago!"


"Good luck na lang sa pag hunting niyo kay Jan. Tropa ko siya pero di ako nangungunsinti ng mali. Kita ko din kasi kung gaano nila kagusto ang isa't isa sabay maggaganyan si Jan ngayon."


"Ayos ka talaga. Salamat dude ah. Punta ka dito bukas saamin shot tayo ako bahala sayo."


"Game ako diyan. Text text na lang dude."


"Sige sige. Salamat ulit."


"Gege."

Best Friends or Best Lovers (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon