CHAPTER FIVE:
Jugs' POV
(a/n: Jugs' picture below.)
Pagkadating ko ng gazebo, nakita ko si Jacee na nakaupo at nakaearphones. Sana magkaayos na kami at sana, pumayag siya na siya ang maging partner ko sa tour. Si Rain na daw kasi ang kapartner ni Ella eh. Nagtext saakin si Ella kanina. Tiningnan ko si Jacee at nginitian siya. Pft di man lang namalayan na nandito na ako. Dahan dahan akong tumabi sa tabi niya at niyakap siya.
"Ay mokong---! J-jugs?!"
"Namiss kita Jacee."
"T-teka nga Jugs baka may makakita saatin or worst, si Ella ang makakita saatin."
Bumitaw ako at tiningnan ko siya.
"Sorry Jacee ah. Nangako kasi ako kay Ella na babawi ako sakanya."
"Okay lang naman kahit bumawi ka sakanya pero sana nagreply ka man lang sa text ko or sumagot ka man lang sa tawag ko kahit isang beses."
"Sorry talaga. Nagseselos na kasi siya lalo na nung magkasama tayo pumasok nung monday. Tas absent pa ko last last week ng ilang araw kasi diba dun ako natulog sa hospital kasi binantayan kita."
"Naiintindihan ko. Sorry. Di ko naman alam na nagseselos na pala si Ella at tsaka bat kasi di niyo sabihin sa barkada? Konti lang kaming nakakaalam eh."
"Tsaka na siguro pag okay na kami. Kahit kasi bumabawi ako sakanya, ramdam ko na di pa kami okay."
"Magkakaayos din kayo."
"Salamat Jacee. Nga pala, may partner ka na ba sa tour?"
"Wala pa eh, ikaw? Yun nga rin sana itatanong ko eh. Ay teka diba dapat si Ella partner mo?"
"Nah. Si Rain na daw kapartner niya eh."
"Si Rain? Naks naman."
"Oo. Uhm Jacee?"
"Yep?"
"Pwede bang tayo na lang ang partners?"
"Sure! Kung okay lang kay Ella, bakit hindi?"
"Nice! Sigurado ako okay lang yan sakanya. Sila nga ni Rain eh. Basta wala ng bawian ah."
"Hahaha oo na po."
"Lika nga dito!"
Hinila ko si Jacee at niyakap ko siya. Bitin yung yakap kanina eh hahahaha.
"Bati na tayo ha?"
"Opo. Sorry talaga Jugs."
"Sorry din Jacee."
"Forever best friends tayo ha? Walang iwanan. Promise?"
"Promise. Ipromise mo rin sakin na hindi mo na ako iiwasan dahil sa selos ha?"
"Yep! Promise!"
Bumitaw kami at nginitian ang isa't isa. Namiss ko talaga tong best friend ko.
"9:45 pa lang naman. 10:00 pa naman sunod na klase natin. Tara bili muna tayong ice cream?"
"Sige ba! Basta libre mo!"
"Hahahaha oo na po."
Pinisil ko ang ilong ni Jacee. Ang cute niya kasi eh!
"Aray naman! Ang brutal mo talaga kahit kelan!"
"Hahahaha sorry na! Tara na?"
"Tara!"
Jacee's POV
Buti naman at bati na kami ni Jugs. Nalibre pa ko ng ice cream at kami ang magkapartner sa tour! Yey! Habang tumatakbo kami papuntang classroom, kiniliti ako ni Jugs kaya hinawakan ko kamay niya kasi baka matapon yung ice cream sayang naman!
"H-hoy hahahahaha Jugs teka baka matapon tong ice cream!"
"Di yan wahahaha talo ka pala eh!"
Hinawakan ko lalo ang kamay ni Jugs para di niya na ako makiliti. Lakas din kasi ng trip neto eh. Di ko namalayan, nasa may papasok na pala kami ng classroom.
"UYYY! SABAY ANG DALAWA OH!"
"ANG SWEET NAMARN! HOLDING HANDS PA!"
"NICE ONE JUGS!"
"JUGCEE IS SAILING!"
Jugcee? Jugs plus Jacee? Nilibot ko ang paningin ko sa classroom at buti na lang, wala si Ella. Paniguradong magseselos yun. Pumasok na kami ni Jugs at umupo.
"Jacee hayaan mo na lang sila. Walang malisya diba?"
"Oo na. Para yun lang eh."
"Nga pala, kamusta na kayo ni Jan---"
"Wala na."
"Ha?! Anong wala na? Kelan pa?"
"Di na daw manliligaw yung gago. Nung 26."
"Bakit daw? Ano rason niya?"
"Ayaw niya na daw. Wala na daw siyang nararamdaman para saakin."
"Aba gago pala siya! Bat di mo sinabi saamin edi sana inupakan namin yun! Siya pa talaga may ganang umayaw ah!"
Pfft halos pareho sila ng sinabi ni Carlos kanina eh.
"Shhh yaan mo na nga. Nagmomove on na din naman ako eh."
"Makakamove on ka din. Ikaw pa ba!"
"Alam ko bleh! Ubusin na nga lang natin tong ice cream natin."
"Hahahaha oo na!"
Kahit inayawan ako ng taong gusto ko, at least okay na kami ng best friend ko.
BINABASA MO ANG
Best Friends or Best Lovers (REVISED)
Teen FictionA best friend is a person who you love and value above other friends in your life. What if you fell in love with your best friend? Is friendship worth risking in exchange for love?