CHAPTER TWELVE:
- Bus -
Jugs' POV
Pauwi na kami ngayon at nasa bus na kami. Hulaan niyo, tulog na naman si Snorlax. Ang bigat ng ulo amp. Pagkasakay na pagkasakay namin ng bus, nagkwentuhan lang kami saglit at nakatulog na siya. Nakasandal siya sa balikat ko habang ako nagsosoundtrip lang. Pagkalipas ng ilang oras, dinalaw ako ng antok at nakatulog na din ako.
Pagkagising namin, malapit na daw kami sa Manila. Pero tulog pa rin si Jacee. Nangangalay na balikat ko pero ayos lang. Basta para sakanya. Gagawin ko naman lahat para sakanya. Nang nakarating na kami sa school, umuwi na agad kami. Ihahatid ko pa nga sana si Jacee kaso sabi niya wag na daw. Sabagay, pagod na din kasi ako pero sabi ko nga, kahit ano gagawin ko para sakanya. Magsisix na din kasi nung nakauwi kami eh. Pagkarating ko sa bahay, nagpahinga lang ako ng isang oras at napagdesisyunan ko na tawagan si Jacee kaya dinial ko yung telephone number nila.
"Hello po? Manang Tenma?"
"Ah oo ako nga ito. Sino to?"
"Good evening po. Si Jugs po to. Si Jacee po?"
"Teka Jugs tingnan ko lang sa taas ha?"
"Sige po."
Pagkatapos ng ilang minuto, may nagsalita ulit sa kabilang linya.
"Nako Jugs tulog na si Jacee. Mukhang dirediretso na tulog neto. Tumawag ka na lang bukas ha?"
"Ahh ganun po ba. Sige po salamat,"
"Sige iho."
Sayang tulog na si Jacee. Miss ko na agad siya eh. Nagonline muna ako at tiningnan kung may bagong notifications sa fb ko. Ang bilis naman magupload ni Jacee hahahaha. Tiningnan ko yung inupload niya at nakita ko yung picture namin na nakaback hug ako sakanya sa skating rink kaya sinave ko yun at ginawang profile picture. Di pa nakakalipas ng ilang minuto, madami na agad nagcomment at naglike at nangunguna sila Neo hahahaha napakasupportive talaga ng barkada. Tiningnan ko yung messages ko at nakita kong may nagmessage saakin.
From: Jan Ignacio
Magkita tayo sa martes. Sa dating lugar. 6pm. Kelangan natin mag usap.
Tamang tama. Gusto ko na din makausap ang gagong to at masuntok sa mukha. Kaya nireplyan ko siya.
To: Jan Ignacio
Ge. Pag di ka sumipot, pupuntahan ka namin sa Shinhan.
Pinindot ko na yung send at hinagis ko na yung phone ko sa higaan ko. Panira talaga ng mood yung gagong yun kahit kelan. Pero okay na din yun para makausap ko siya at sabi ko nga, masuntok sa mukha. Sa lahat ng gagaguhin niya, yung best friend ko pa talaga? Di pa ko nakakalimot sa ginawa niya sa barkada tas eto na naman ngayon. Ginago niya best friend ko. Pero di ko alam kung ano tong nararamdaman ko para kay Jacee eh. Ayokong nasasaktan siya. At isa lang din ang nasisigurado ko, hindi ko hahayaan na masaktan siya ng kung kahit sino.
BINABASA MO ANG
Best Friends or Best Lovers (REVISED)
Teen FictionA best friend is a person who you love and value above other friends in your life. What if you fell in love with your best friend? Is friendship worth risking in exchange for love?