CHAPTER FOURTEEN:
Jugs' POV
Maaga ako pumasok sa school at nandito na din ang buong barkada maliban kay Jacee. Kahapon nga pakatapos namin gumawa ng project sa P.E, si Jasmine at Ella na ang kadaldalan niya. At nung uwian na, dali dali naman siyang umalis. Di na nga ako nakapagtambay sakanila kasi may pupuntahan daw sila ni Kuya Jay. Pero kasi kagabi ko pa siya tinetext pero di siya nagrereply. Tinatawagan ko din pero unattended. Ano kayang problema nun? Okay naman kami diba? Wala naman kaming problema. Magsasabi naman yun saakin pag meron. Mamaya na pala kami magkikita ni Jan. Sana sumipot siya kasi kung hindi, pupuntahan ko talaga siya sa Shinhan.
"Hala? Akala ko ba wala na sila?"
"Oo nga akala ko din. Okay na sila?"
"Ewan. Diba nagkakamabutihan na sila ni Jugs?"
"Oo nga. Kala ko nga sila Jacee at Jugs na."
Natigilan ako nang narinig ko yung pangalan namin ni Jacee. Pati nga yung barkada napalabas ng classroom eh. Nagulat ako nang tawagin ako ni Jasmine.
"Jugs you need to see this!"
Tumayo ako at lumapit sa may pintuan na sana di ko na lang ginawa. Magkasama lang naman si Jan at Jacee sa lobby. Nauunang maglakad si Jacee pero hawak pa ni Jan ang bag ni Jacee. Bakit nandito yang gago na yan at bakit niya kasama si Jacee?
"Text ka na lang pag tapos na klase mo. Susunduin kita." –Jan
Susunduin? Diba makikipagkita siya saakin? Talagang di siya sisipot mamaya?
"Ge ingat."
"I love you Jacee."
"K bye."
Naglakad na papalapit si Jacee sa classroom pero bago pa makalapit si Jacee sa may pintuan ng room, bumalik na ako sa upuan ko at sinuot ang earphones ko kuno. Di ako magsosoundtrip. Ayoko lang na makita ni Jacee na nagmumukmok ako dito dahil lang sa nakita ko sila ni Jan na magkasama. Tinext ko si Kuya Ivan na pumunta dito sa room asap. Kelangan ko ng makakausap. Para akong sasabog anytime. Naguguluhan na ko sa nararamdaman ko.
"Oy Jugs!"
Lumingon ako may pintuan ng room nang may tumawag saakin. Buti naman at nakarating agad si Kuya Ivan.
"Hi Kuya Ivan good morning!" -Jacee
"Wow mukhang maganda ang gising natin Jacee ah."
"Hahahaha di naman kuya."
Lumapit ako sakanila at nginitian si Jacee. Kunware wala akong nakita kanina. Kunware okay lang ako.
BINABASA MO ANG
Best Friends or Best Lovers (REVISED)
Teen FictionA best friend is a person who you love and value above other friends in your life. What if you fell in love with your best friend? Is friendship worth risking in exchange for love?