Chapter 27

903 12 1
                                    


CHAPTER TWENTY SEVEN:


Jacee's POV


"Jacee pikit ka." 


Ano na naman bang pakulo netong isang to? Nandito kasi kami ngayon sa kwarto niya. Ibibigay niya daw yung birthday gift ko.


"Bakit?"


"Basta! Pikit ka."


"Ikaw Jan ha pag pinaandaran mo na naman ako ng mga prank mo nako ka---"


"Di nga to prank! Pikit na kasi please?"


Natawa naman ako ng biglang nagpout si Jan pft ang bakla ha di bagay sakanya.


"Oo na oo na."


Pumikit na ako at maya maya, may malambot na nilapag si Jan sa lap ko. Actually sakop niya buong katawan ko. Ano to human size na unan na may mukha niya?


"Open your eyes."


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Omg ang laki at ang cute naman neto! Waaaaaa thank you Jan!"


Humiga ako sa kama ni Jan at niyakap ko naman ng mahigpit yung human size teddy bear. Mahilig ako sa teddy bear na malalaki pati unan na malalaki kaya puno ng teddy bear at unan yung kama ko sa kwarto ko. 


"Nagustuhan mo ba birthday gift ko sayo?"


"Oo naman. Alam mo naman na mahilig ako sa malalaking teddy bear eh."


Humiga si Jan sa tabi ko at niyakap ako. Hinayaan ko na lang siya kasi namiss ko din naman siya.


"Glad to know you liked it. Sorry kung ngayon ko lang nabigay yan ha? Sorry din kung di ako nakapunta sa birthday celebration mo."


"Okay lang naiintindihan ko naman eh. Nakabawi ka naman dahil dito sa teddy bear na to. Pero, nag aalala ako kay Mai. Kaya ba siya nakipagbreak kay Xian dahil sa sakit niya?"

Best Friends or Best Lovers (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon