CHAPTER SIXTEEN:
Jacee's POV
Agad akong umuwi saamin pakatapos ng nangyareng sagutan namin ni Jugs. Tinawagan ko din si Neo kasi kelangan ko ng makakausap ngayon. Akala ko pa naman maiintindihan ako ni Jugs kasi best friend ko siya eh. Pero bakit ba siya nagkakaganun? Oo tama siya. Di ko siya maiintindihan kasi wala akong alam. Ano ba kasi ang hindi ko alam? Bat di niya sabihin saakin? Best friend niya ko. Alam niya naman na iintindihin ko siya kahit ano pa yan.
"Bakla! Nandito na ang dyosa!"
Lumingon ako sa may pinto ng bahay namin at nakita ko si Neo na nakatayo at may bitbit na isang bote ng bacardi. Tong baklang to, sabi ko kelangan ko lang ng makakausap. Hindi kainuman kasi may pasok bukas.
"H-hoy bakla andyan ka na pala."
"Sorry baks di na ako kumatok kasi bukas yung gate niyo tsaka tong pinto niyo kaya dirediretso na ko pumasok."
"Okay lang ano ka ba. Teka bat ka naman may dalang bacardi diyan---"
Di ako pinatapos magsalita ni Neo at lumapit siya saakin sabay yakap saakin. Yinakap ko naman siya pabalik.
"Omg baks what happened to you?! Umiyak ka ba? Sino nagpaiyak sayo? Ang haggard mo ha! Ano bang nangyare?!"
"Kasi naman baks eh, di ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganun."
Bumitaw sa yakap si Neo at umupo sa sofa. Tumabi ako sakanya at binuksan ang bacardi na dala niya.
"Hoy teka teka bago ka mag chika diyan, di ka ba kukuha ng chaser para sa bacardi?"
"Chaser is for weak people only baks."
Biniro ko si Neo at inirapan lang ako ng bakla.
"Che! Dami mong alam bakla! Wala ba kayong coke diyan?"
"Oo na oo na kukuha na. Teka lang."
Kumuha ako ng 1.5 na coke sa ref namin, yelo at dalawang baso.
"Oh eto na po kamahalan."
"Hihi thanks baks! O chika na. Ano bang nangyare sayo ha?"
Nilagyan ko ng yelo at bacardi ang baso ko at ininom ito.
"Sabi ko nga, di ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganun."
"Sino ba kasing siya? Si Jan ba? My ghad bakla ka nagpaligaw ka ulit dun?!"
BINABASA MO ANG
Best Friends or Best Lovers (REVISED)
Teen FictionA best friend is a person who you love and value above other friends in your life. What if you fell in love with your best friend? Is friendship worth risking in exchange for love?