Chapter 38

770 15 5
                                    


CHAPTER THIRTY EIGHT:


Dean's POV


Bukas na ang graduation pero andito kami ngayon sa bar. Eto kasing si Jugs eh nag aya. Libre niya daw kaya pumayag kami. Masarap pag libre eh. 


"Oy Jugs saktong inom lang tayo ah." -Xian


"Oo nga. Graduation natin bukas tas magpapakalasing tayo?" -Rain


"Umuwi na lang tayo at matulog." -Carlos


Sinimangutan ko si Carlos at binatukan.


"Aray naman Dean!" -Carlos


"Kahit kelan talaga puro tulog yang nasa isip mo."


"Shempre kasi mas masarap matulog kesa uminom---" -Carlos


"Iingay niyo. Ayun na si Jugs nauna ng pumasok." -Marky


"Woy tara na sundan na natin yun baka mag order yun ng isang case ng beer." -Jason


Pumasok na kami at huli na kami para pigilan na uminom si Jugs. Tama si Jason. May isang case na ng beer kung saan nakaupo si Jugs at nakalahati niya na yung isang bote ng beer. Di naman siya uhaw na uhaw noh?


"Upo na kayo. Drinks on me tonight mga bobo woooooo!"


Napailing na lang ako at kumuha ng isang bote. Alam naman naming lahat kung bakit gusto magpakalasing ngayon ni Jugs. Ilang araw na lang kasi at aalis na si Jacee. Kahit kami nalulungkot pero wala eh para naman sa future yun ni Jacee kaya di namin siya pipigilan umalis. Pinagmamasdan lang namin si Jugs na umiinom habang nagyoyosi. Ilang minuto pa lang ang nakalipas pero nakadalawa na agad siyang bote. Tunggain ba naman daw yung isang bote ng beer? Siraulo talaga.


"Pre ays ka pa ba? Wag ka magpakalasing ah---" -Xian


"Sus para saan pa na uminom tayo kung di tayo magpapakalasing? Cheers!"


Tinaas namin ang mga bote namin at uminom na lang. 


"Cheers para saakin na iiwan ng babaeng mahal na mahal ko..." 


Sabi ko na eh. Nagpapakalasing ang gago para kay Jacee.


"Cheers para saakin na nagmahal ng best friend niya at di siya kaya mahalin pabalik..."


Kung di din to bulag at manhid eh. Lahat ata kami kitang kita at ramdam na mahal din siya ni Jacee eh bat siya di niya maramdaman?! Mokong talaga.


"Oy oy tama na yan baka mamaya niyan di ka magising bukas---" -Rain


Best Friends or Best Lovers (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon