Chapter 13

1.1K 17 5
                                    


CHAPTER THIRTEEN:


(a/n: Jan's picture below.)


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Jacee's POV


At nakapagdecide nga ako na siputin si Jan for clarification. Nandito na ako sa meeting place namin at nakita ko naman siya na bumaba ng kotse niya at lumapit saakin habang ako di naman umiimik. Tumabi siya saakin at hinawakan ang kamay ko pero binawi ko ito.


"Ano ba ang gusto mong pag usapan?"


"Masosorry lang sana ako---"


"Teka lang ah. Sorry? Sorry for what? For dumping me all of a sudden? Sa tingin mo ganun lang kadali yon? Na madadala mo ko sa sorry mo?"


"Jacee let me explain please."


Hinawakan niya ang kamay ko pero binawi ko ulit ito. Tinitigan niya ko sa mata at di ko alam kung maniniwala ba ako sakanya kasi mukhang paiyak na siya.


"Wag ka umiyak dito sinasabi ko sayo. Nakakahiya---"


"Wala akong pakialam sa iisipin ng iba. Sincere ako sa sasabihin ko sayo. Jacee narealize ko na ikaw pala ang gusto ko. Ikaw lang. Siguro nung time na pareho tayo busy, siya yung nandiyan para saakin---"


Di makapaniwalang tiningnan ko si Jan at di siya pinatapos sa sasabihin niya.


"Teka teka. So there's a third party? Wow naman Jan hahahaha galing mo naman! I never thought that you will cheat on me!"


"Teka lang Jacee hear me out."


"No! You're a cheater! Kahit hindi pa kita sinasagot, the mere fact you asked me if you can court me, you should be faithful to me! Hindi yung habang nililigawan mo ko eh nanlalandi ka sa iba!"


"Please Jacee just hear me out..."


Inirapan ko si Jan at nag iwas ako ng tingin. Ayoko siya tingnan ngayon lalo na't nalaman ko na may ibang babae pala na involve kaya niya ko inechapwera ng ganun ganun lang.

Best Friends or Best Lovers (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon