Chapter 21

924 13 2
                                    


CHAPTER TWENTY ONE:


Jacee's POV


Nakaupo lang ako katabi si Marky at Carlos sa harap ng bonfire. Hanggang ngayon ay di mawala sa isip ko yung pagtatapat ni Jugs kanina saakin. May parte saakin na masaya pero may parte din saakin na naguguluhan. 


"Ang tahimik mo naman diyan Jacee." -Carlos


"Oo nga! Kanina ka pa tahimik diyan. Tsaka akala ko gustong gusto mong uminom? Eto oh." 


Inabutan naman ako ni Marky ng isang smirnoff at agad ko naman itong kinuha.


"May iniisip lang ako. Salamat."


"Sure?"


"Oo naman Marky. Bakit?"


"Wala lang. Ayos ka lang ba talaga?"


"Oo nga. Wala naman rason para di maging ayos diba?"


"Oks sabi mo eh."


Si Jugs naman, ayun. Nagswiswimming kasama sila Rain, Xian, Dean, Kuya Ivan, Neo, Tati, Ella at Jasmine. Mukhang ang saya ni Jugs. I mean, ang saya niya kahit di ko naman maibabalik yung pagmamahal niya saakin. As of now.


"KAMPAY!" -Marlon


"TAGAY!" -Jason


Si Marlon at Jason naman, nagpapakalasing. 


"Wow edi ikaw na!" -Sheryl


"Hahahaha I know right bes!" -Polly


Si Sheryl at Polly naman, nagtatawanan habang nagkwekwentuhan. Kami lang talaga ni Marky at Carlos ang tahimik na umiinom dito lol.


"Jacee gusto mo ba samin sumama ni Carlos?"


"Saan?"


"Dun sa pinakagilid nitong beach na to."


"O sige." 


Sumama na ako kasi total wala naman akong ginagawa dito.


"Huy Jason pag hinanap kami sabihin mo naglakad lakad lang kami ah." -Carlos


"GE KAHIT WAG NA KAYO BUMALIK!" 


(a/n: Jason's picture below.)

Best Friends or Best Lovers (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon